Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG HIWAGA SA LOTTO

$
0
0

sa-kantot-sulok3MISTULANG sinuportahan ng ebidensyang lumabas ang ating kolum nitong nakaraan ukol sa tanong ng marami nating mambabasa kung may pandaraya o lutuan na nagaganap sa PCSO-Lotto draw.

Naku, mga suki, galit na galit ngayon ang marami nating kababayan at pinagpapaliwanag si General Manager Jose Ferdinand M. Rojas II sa alingasngas sa PCSO.

Kung bakit sinasabing may nanalo ng jackpot sa 6/55 noong April 7, 2014 draw na taga-Makati na may pot money na P249,841,572 at 25 naman ang mga nanalo para sa limang numero na may premyo na P169,410 bawat isa?

Pero sa hard copy ng numbers of winners print out ng PCSO mula sa isang “reliable source”, walang nanalo ng jackpot. Pati ang sinasabing 25 winners sa premyong P169, 410 ay 2 lang ang nanalo base sa hard copy ng results ng 6/55.

Ang hard copy ay inilabas ng Filipino’s Patriotism sa Facebook page nito na nagbigay ng kalituhan sa mga mananaya ng Lotto. Kaya maraming netizens ang bumuhos ang galit sa tila panlolokong ito ng ahensya.

***

Rolly Taruc Peralta—dapat magkaroon muna ng congressional inquiry rito….’di biro ang laki ng pera ng taumbayan na mananaya….. tapos, eh, madaraya… ’yung mga print out na pinakita rito ay galing din sa mga outlet ng Lotto para malaman ang payout, lalo na sa mga nakakuha ng 5 out of 6 at 4 out of 6 nos. Kasi variable at hindi fix ang prizes para rito….depende sa rami ng nanalo….pero bakit doon sa isa ay ang next draw ay Jan. 1970…. ano ‘yon?…. mukhang merong mali rito…..ito ang dapat i-explain.

Zaripda Salvascion—Dapat kung walang dayaang nangyari, ilabas sana nila kung cnu na nanalo..it’s not for security…sa laki ng pinalunan n’ya kaya na nitong bumili ng protection para sa sarili n’ya.

Jhun Florido—Dalhin sa Senado nang lutuin sila!

Myra Masicap—Bkit 1970 ang nxt draw? San galing 2?

Rolly Taruc Peralta—ang sabi ni Chairman Juico, e, wla dayaan sa draw ng pcso lotto na televised pa at meron mga judge at observer… TAMA ‘yun….pero paano nman sa system nila…sa computer database na kahit wlang nanalo ay pwede palabasin na nay tumaya at nanalo ng jackpot AFTER malaman ang winning numbers?

Shelly Sheng–Itigil na ang lotto…

Neri D. Basa—Baka matagal na nilang ginagawa iyan…ngyon lang nabuko…sa rami ng tumataya sa lotto pag umabot na ng hundred million ang prize sabihin isang tao lang nanalo!

Arym Parco Aipone—Back to the future??? Wow

Edward Meneses Clet Jr.—Paki explain, labyu.

Chazty Pascua—Ako ay isang mananaya rin sa lotto. Halos kandarapa ako sa pagtaya ng lotto sa jackpot tapos lalabas na ganito, lokohan pala..panu kung nagkataon na isang tulad ko mahirap ang buhay nanalo ako un pala wala lang… nasan nman un kaluluwa at koncencia ninyo marami kayong niloloko talaga..mga ganid swapang.. maawa nman na kayo sa taong bayan, lalo na sa mahihirap tulad ko. nangangarap magkaswerte makaahon sa hirap marami kaming nagbabakasakali..nakakatulog pa ba kayo, mga manloloko?

Mary Hazel Aldave—Nag-manipulate ng machine to get a crappy ticket ‘di naman nag-check ng date. Palpak!

The post ANG HIWAGA SA LOTTO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>