NARITO ang ilang tips para sa ating mga kababayan na gustong magbakasyon o kaya ay magpunta sa mga probinsya para roon gunitain ang Semana Santa.
Maganda at mas masaya ang pagbabakasyon at pagdiriwang ng Semana Santa kung hindi tayo mabibiktima ng mga masasamang elemento ng lipunan kagaya ng mga kawatan o miyembro ng salisi na karaniwang umaatake sa tuwing umaalis sa mga tahanan at nagbabakasyon ang mga pamilya.
Nagbigay ng mga tip si Quezon City Police District (QCPD) Officer-in-Charge, Police Senior Superintendent Joel Pagdilao, ukol sa kahandaan ng kapulisan ng Quezon City sa pagpapanatili ng seguridad at kapayapaan sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa at maging sa pagsisimula na ng mahabang bakasyon sa Kamaynilaan at sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon kay Col. Pagdilao makatutulong ang pag-alam ng ilang ‘tip’ o mga dapat gawin para hind maging biktima o makaiwas sa krimen o sakuna sa tuwing may mga okasyon o panahon ng mahabang bakasyon. Ilan dito ang mga sumusunod:
KUNG IIWANAN NA WALANG BANTAY SA BAHAY
* Ikandado ang lahat ng pinto at bintana at tiyakin na walang daraanan ang sinoman na may tangkang pumasok at magnakaw.
* Mainam kung may ‘burglar alarm’ para maalerto ang mga kapitbahay kung may nakapasok sa inyong bahay. Makatutulong din ang pagkabit ng closed circuit television (CCTV) camera.
* Huwag mag-iwan ng sulat o mga mensahe sa labas ng bahay na nagsasabing walang tao sa loob. Mainam din na iwanan na bukas ang radyo para kunwari ay may tao sa loob ng bahay kung hindi naman katagalan ang pagkawala.
* Maaari ring itagubilin sa pinagkakatiwalaang kapitbahay ang inyong bahay at ipaalam din kung kailan kayo babalik.
* Tiyakin na walang naiwan na nakasinding kandila, bukas na electric o gas stove, naka-plug na appliances tulad ng plantsa o tumutulong gripo ng tubig.
* Iligpit o itago ang anomang mahalagang bagay na maaaring nakawin tulad ng mga damit sa sampayan, bisikleta, tool sa garahe at iba pa. Makatutulong din ang vault para sa mga alahas at pera.
KUNG BIBIYAHE AT MAGDALA NG SARILING SASAKYAN
* Bago bumiyahe, tiyakin na maayos at walang problema ang sasakyan, at tiyakin din ang kondisyon ng mga B-attery L-ights O-il W-ater B-rakes A-ir G-as- E-ngine T-ires S-elf (BLOWBAGETS).
* Tiyakin na kumpleto ang dokumento mo sa pagmamaneho tulad ng driver’s license at papeles ng sasakyan tulad ng vehicle registration, insurance certificate at iba pa.
* Tiyaking naka-safety lock ang mga pinto at bintana habang nagbibiyahe, lalo na kung may kasamang mga bata sa sasakyan.
* Sa pagmamaneho, tiyakin na palaging kontrolado mo ang sasakyan. Iwasan ang one-hand driving o paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
* Kung nagmamaneho sa gabi, gamitin nang wasto ang mga headlight at signal light. Huwag magmaneho kung malabo ang paningin at lalo na kung nakainom ng alak o lasing.
* Magdala ng flashlight o emergency light. (ITUTULOY)
The post MGA TIP PARA MAIWASAN ANG KRIMEN AT SAKUNA NGAYON appeared first on Remate.