Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA TAGASUNOD SA TAGGUTOM

$
0
0

pakurot11MAY ilang linggo na rin mula nang ipag-utos ni Manila Police District Director, Chief Supt. Rolando Asuncion ang “all-out war against illegal gambling” sa kanyang nasasakupan kaya ang mga totoong tagasunod niya ay taggutom.

Bakit? Kasi naman marami pa ring opisyal at tauhan ng istasyon at presinto ang hindi sumusunod sa kanyang tagubilin na “itigil ang sugal sa Maynila.” Hindi nila kayang mawala ang “lingguhang payola” mula sa gambling operators at financiers dahil may mga ipinagmamalaki silang protektor o kinakapitan sa headquarters at Manila City Hall.

Sinusubukan ng mga opisyal na ito ang pangil ng kanilang “padrino” laban kay Gen. Asuncion na naunang nagsabi na tatlo lang ang puwedeng pumadrino sa puwesto sa kanya.

Ang mga ito ay sina Philippine National Police chief Dir. Gen. Alan Purisima, National Capital Region Police Office director Chief Supt. Carmelo Valmoria at Manila Mayor Joseph Estrada.

Ang mga walang inaasahang padrino bukod sa sarili nilang kakayahan at galing sa trabaho ay naghihintay kung hanggang kailan sila tatagal sa puwesto. Kaya naman ang mga ito ay hindi tumatanggap ng lingguhang parating mula sa iligal kaya taggutom.

Batang intel si Gen. Asuncion kaya alam niya at nakararating sa kanya kung sino-sino ang mga opisyal at kolektor ng mga ito ang hindi sumusunod sa kanyang patakaran.

Noong Sabado, may huli ang MPD District Police Intelligence and Operation Unit kaugnay ng kasong iligal na tupada. Suwerte, nakahuli rin sa operasyon ng opisyal sa Mindanao na may dalang baril na walang lisensya.

Samantala, umasim ang mukha ng ilang opisyal at pulis at maging taga-cityhall sa balitang parating sa MPD ang isang Col. Macario na isinusuka sa Southern Police District dahil sa sobrang talas sa “bato.” Abangan siya.

oOo
Nasubukan ang husay at galing sa paghawak ng kasong criminal ni Atty. Jose Icaonapo, Jr., dating IBP Governor for Greater Manila Region at Presidente ng Philippine Trial Lawyers Association, Inc., nang iabsuwelto ng Court of Appeals si PO3 Larry Laurente at amang Pepito sa kasong pagpatay noong 2001.

Dahil sa talino at tiyaga ni Atty. Icaonapo, napawalang-sala sa CA ang mag-ama nang mabaliktad ang unang desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 18 sa pagpatay sa isang Marvin Fernandez.

Ang desisyon ng Manila RTC ay inilabas noong April 2011

Habang dinirinig ang kaso, namatay si Pepito kung kaya’t lumabas na ang kaso laban sa kanya at moot and academic.

Ipinagpatuloy naman ng pulis at ng abogadong si Icaonapo ang kanilang apela sa CA hanggang magtagumpay.

The post MGA TAGASUNOD SA TAGGUTOM appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Love Quotes Tagalog


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>