TILA, matagal pa bago maghilom ang sakit na nararamdaman ni Col. Conrad Capa bunsod ng kontrobersyang dulot ng kanyang pagkakatanggal bilang PNP Task Force Tugis chief.
Halos dalawang buwan na kasi matapos sibakin sa puwesto at ilipat sa bagong assignment sa Mindanao, patuloy pa rin ang banat sa kanya dahil lamang sa pagpapa-interview sa media.
Tila, baga napakalaking kasalanan ang matanong ng media si Capa hinggil sa kanyang pagkakasibak matapos pangunahan ang pag-aresto kay Delfin Lee, na isa sa most-wanted men ng PNP.
Tingin natin ay nalagay sa alanganin si Capa sa biglaang interview sa kanya ng media at ang naisagot na siya namang katotohanan ay naging maanghang sa panlasa ni Gen. Alan Purisima.
Gaya ng naramdaman ng marami, isa na tayo sa kanila, natural ang reaksyon ni Capa na magtaka kung bakit siya sinibak bilang Tugis chief sa kabila ng magandang accomplishment.
Sa kabilang banda, may agam-agam din ang marami, at sigurado tayo na naramdaman din ito ni Capa na dahil ang nadakip ay si Lee, baka o may dudang may nangyaring hokus-pokus.
Imbes kasi na papuri dahil nahuli ang wanted na si Lee, ang naging award ni Capa ay pagsibak sa puwesto at paglipat sa napakalayong assignment. Aba’y sino nga naman ang ‘di magtataka.
Dahil sa pagpapa-interview sa media hinggil sa biglaang pag-alis sa kanya – ang napala ni Capa ay batikos ni Purisima na sinamahan ng galit ni PNoy na iwinagayway pa sa publiko.
Sa totoo lang, maraming Juan ang ‘di naging kampante sa ipinakita ni Purisima at ang Pangulo, at para masabing tama ang kanilang ginawa, ipinagpapatuloy nila ang pagbatikos kay Capa.
‘Di tanga ang madlang pipol, hinto n’yo na ang pagbatikos sa kaawa-awang si Capa. Dahil kahit kasi anong banat ang gawin, awa ang nararadaman ng sambayanan kay Capa at galit sa PNP.
—***—
PAGING COL. FELIX
MAY patupada raw si Kap. Marasigan sa Pinamukan Silangan, Batangas City na sinamahan ng sugal na sakla at color games.
Sa likod ng bahay ni Kap. Gutierrez ng Brgy. Aguila, San Jose ay may pasugal din, bukod pa sa namamayagpag na STK bookies nina Virtucio, Kap. Indo at Kap. Ineo.
The post LUNGAYNGAY SA BATIKOS SI CAPA appeared first on Remate.
