TANDA raw ng kaunlaran ang panalo ni Pacman.
‘Yan ang pahayag ng Palasyo kaugnay sa huling laban ni Manny Pacquiao kung saan ito nagwagi kontra sa Amerikanong si Timothy Bradley.
Ha? Ansabe?
Tsk, tsk, tsk, totoo nga parekoy ang kasabihan na ang karunungan ng tao ay may hangganan, pero ang kabobohan ay wala! Hak, hak, hak!
Kung hindi ba naman hangal itong mga animal na mga sipsipwet ni PNoy, ano ang koneksyon ng panalo ni Pacman sa ekonomiya?
Ibig bang sabihin ng mga hangal na ito na kung sino ang nanalo sa boksing ay mas maunlad ang kanilang ekonomiya?
Na para bang sinabi nila na mas maunlad ang Pinas kesa Amerika?
King-ina ninyo, kaya nanalo si Pacman dahil sa matinding ensayo para mapag-ibayo ang kanyang lakas, bilis at manumbalik ang likas niyang galing sa pakikipagsuntukan!
Hindi gaya nitong mga taga-Palasyo na ang pinag-iibayo ay ang pangungurakot para magkamal ng limpaklimpak na salapi! Pwe!
Kundi ba naman sobrang kapal ng mukha ng mga animal na ito, wagas na nga kung umepal sa bawat pinagkakakitaan nilang proyekto ng gobyerno, pati ba naman sa panalo ni Pacman ay gusto pang umangkas ng kaepalan! Huh!
Ang totoo nga niyan, dahil bangkarote nga ang gobyernong ito kaya kahit hindi pa nakauuwi sa Pinas si Pacquiao ay kwentado na ni BIR Commissioner Kim Henares kung magkano ang sisingilin na buwis kay Pacman!
Mas maniniwala pa tayo, parekoy, na kung maraming Pacquiao ang Pinas ay maari ngang umunlad ang bansa.
Dahil silang mga namumuhunan ng dugo’t pawis ang paboritong harbatan ni Henares keysa ayusin ang pagkolekta sa buwis ng mga malalaki at manlolokong negosyante!
-o0o-
NANINIWALA ang maliliit na mga mangingisda sa lalawigan ng Masbate na kung talagang gagampanan ng Maritime Police ang kanilang tungkulin at paghuhulihin lang ang mga iligal na mangingisda ay medyo madaragdagan naman kahit paano ang kanilang kita.
‘Yun bang makakain man lang sila ng kahit dalawang beses isang araw!
Sa ngayon kasi, parekoy, ay lubos talaga ang kanilang paniniwala na malaking halaga ng pera mula sa dayuhang illegal fishing operators ang dahilan kaya nagbubulag-bulagan ang mga nakatalagang Maritime Police sa Masbate, kahit inaaro na ng mga hinayupak ang karagatan ng Masbate.
Gaya na lang ng may-ari ng EDSA fishing na si Ed Saludaga na panay ang ngakngak na kesyo binayaran na niya sa Maritime Police ang mga isda sa Masbate!
Col. Zaldy Caballero, hulihin mo nga ang animal na ‘yan!
The post PACMAN SINAKYAN NI PNOY AT MARITIME SWAK SA ILIGAL appeared first on Remate.
