Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA ABUSADO

$
0
0

BIGWAS_Gil-Bugaoisan11NOONG ika-13 ng Abril ay sumama ang inyong lingkod sa grupong nagbisikleta patungong Lubao, Pampanga upang manood sa taunang Philippine International Balloon Festival. Bagama’t pagod at masakit ang mga hita dahil sa kakapadyak, tuwang-tuwa tayo noong ating masilayan ang mga magaganda at mga dambuhalang hot air balloon.

Hindi pa man sumisikat ang araw ay talagang dagsa na ang mga taong gustong manood at habang isa-isang pinapakawalan ang mga hot air balloon, kanya-kanya naman ang pagkuha ng mga larawan at mga “selfie.”

Dito ay napansin natin ang isang puti na Avanza na may pulang plaka (SKW 415) na kabilang din sa mga dumayo pa sa Lubao upang manood ng naturang Balloon festival. Tuwang-tuwa ang mga laman ng naturang van habang kanya-kanyang sila ng posing upang magpakuha ng picture.

Pero teka, hindi ba’t bawal gumamit ng mga sasakyan ng gobyerno kapag wala namang pasok sa opisina. Hindi ba’t bawal ang mga ganitong sasakyan na gamitin para maglamyerda? ‘Yung gasolina kayang ginamit ng mga walanghiya, galing din kaya sa bulsa nating mga tax payers? Hindi kaya nila alam na bawal ito?

Eto pa ang matindi. Noong kinunan natin ng litrato ang naturang sasakyan, sinita tayo ng isang nagpakilalang Archie Alfonso na isa sa mga nangangasiwa sa Balloon festival. Galit na galit ito dahil kinunan natin ang naturang sasakyan.

Syempre, hindi uubra sa atin ang mga kataranduhan na ganyan kaya’t hindi tayo nagpatakot sa tarantadong si Alfonso. Sa halip ay kinompronta natin ito at tinanong kung bakit galit na galit siya na kinunan natin ang sasakyan na pag-aari ng taumbayan. Sa halip na magpaliwanag ang ulol na ito ipinagmalaki pa niya na kaya niyang gawin ang kahit ano sa naturang festival.

Aba! Ganyan pala katarantado itong mga organizer ng naturang festival na Pilipinas International Balloon Festival Inc.! Yan nga siguro ang dahilan kung bakit nag-away-away ang mga namumuno dito dahil puro mga walanghiya ang mga ito.

Syempre nag-background check tayo dito kay Alfonso at napag-alaman natin na Class 97 ito ng Philippine Military Academy (PMA). Ganyan na ba talaga kabastos ang mga tao sa PMA ngayon? Hoy Mr. Alfonso, mahiya ka naman! Sa halip na magsikap ka upang mawala ang mga tarantado sa ating pamahalaan, aba’y pinagtatakpan mo pa ang mga ito. Nakakahiya ka!

At ito namang International Balloon Festival, Inc., aba naman, piliin niyo naman mabuti ang mga taong ginagamit niyo. Ang mga gaya nitong si Alfonso ay hindi dapat nagkakaroon ng puwang sa mga ganitong pagtitipon dahil saksakan sa pagka-arogante at barumbado.

***
Para sa inyong komento at suhestyon, mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com.

The post MGA ABUSADO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>