NAPAPRANING ako sa mga sumbong ng mga kababayan nating nabibiktima ng mga ganid at walanghiyang towing company.
Kung nakamamatay nga lang ang mura, naku, eh, dami nang patay na may-ari, operator at helper ng towing firms na ‘yan.
Kung bakit nga naman pinapayagan at pakiwari natin, eh, tino-tolerate pa ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang kalokohan ng towing companies.
Malaki ang maitutulong ng mga MMDA accredited towing truck para mahatak ang mga obstruction sa MM at maging maayos ang trapiko.
Pero kung ang mga ito’y umaabuso naman sa kanilang ‘towing operations’, aba’y ibang usapan na ‘yan.
Sinasabi natin ito dahil sa mga ulat na nakarating sa Chokepoint, hindi na makatwiran ang ginagawang panghahatak ng mga towing company.
Dahil sa maling pamamaraan ng kanilang paghahatak sa mga sasakyan, kaliwa’t kanan ang kanilang inaabot na reklamo sa kanilang mga nabibiktima.
May panuntunan kung paano isasagawa ang paghahatak sa sasakyan pero ‘di sinusunod ng mga driver at helper ng tow trucks.
Tip natin sa mga mayor, pagsabihan ang mga towing firm na kinukunan ng serbisyo na gayahin o i-adapt ang style na ginagawa sa paghatak ng mga sasakyan na ginagawa sa mga expressway, tulad ng NLEX at SLEX.
Kasi sa NLEX at SLEX, totoong serbisyo ang kanilang ginagawa, ‘di tulad ng mga towing sa Metro Manila na ang ginagawang paghahatak ay isang sistema na raket para kumita ng datung na umaabot ng milyones.
Kung ang estilo sa expressways ay tutularan lang, tiyak na walang magrereklamong mga may-ari ng mga nahahatak na sasakyan.
Chairman Tolentino, daming abusadong MMDA accredited towing companies na nag-o-operate sa Metro Manila.
Pakisilip naman.
oOo
ILIGALISTANG KAPITAN
DIYAN sa Batangas, napakaraming iligalistang mga kapitan kaya kailangang kumilos na si Sec. Mar Roxas.
Si Kap. Marasigan ng Brgy. Pinamukan, Silangan, Batangas City ay isa sa inirereklamong may patupada, color games at sakla.
Isang Kap. Gutierrez din ang sinasabing operator ng pasugalan sa isang basketball court sa Brgy. Aguila, San Jose.
Ang iba pang kapitan na may pasugalan ay sina Kap. Nelson na may STL bookies sa San Juan; Kap. Virtucio at Kap. Inggo na may bookies sa san Jose, at Kap. Biscocho sa Tanauan City.
Sec. Mar, aba’y kilos naman.
The post MULTI-MILLION RACKET ANG TOWING appeared first on Remate.
