Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NAKULONG SA RIYADH, NAKAUWI NA

$
0
0

Bantay OCWMULA sa Facebook account ng Bantay OCW, nagpadala ng mensahe si Joseph Ledesma (JL) na  nakakulong noon sa Riyadh, K.S.A. Limang taon na, aniya, siya sa Saudi mula pa noong 2009.

Isa’t kalahating taon pa lamang na nagtatrabaho noon si JL sa restaurant ng kanyang employer na si Tahel Alamri. Reklamo niya, hindi tama ang kanilang pasuweldo at hindi rin nasunod ang kanilang kontrata.

Maayos naman noong mga unang buwan ang kanilang suweldong natatanggap, pero nang hindi na maganda ang takbo ng negosyo, hanggang sa nalugi iyon at tuluyan nang nagsara, wala na silang suweldong nakuha pa.

Hindi na naibigay ang kanilang sahod ng mga huling buwan nila sa naturang restaurant. Hanggang sa pinagtrabaho itong si JL sa isa na namang restaurant, ang Olivetto at may usapan na, aniya, ang manager ng restaurant at ang dati niyang amo na si Taher. Nagkabayaran na aniya ngunit patuloy pa rin siyang pinagtrabaho na kinakaltasan pa rin ang kanyang sahod at hindi rin siya pormal na nai-transfer sa Olivetto dahil hindi na naman, aniya, tumupad sa usapan ang dating amo hanggang sa binitiwan na siya nang tuluyan ng bagong restaurant.

Humanap na lang ng ibang mapapasukan itong si JL at inabot na siya ng dalawang taon mahigit ngunit wala para rin siyang Iqama, ang working permit sa Saudi.

Matapos ang kanyang kontrata, kinausap niyang muli ang dating employer, si Taher na pauwiin na lamang siya ng Pilipinas.

Pero sagot ng kanyang employer, dapat ‘aniyang bayaran muna siya ni JL dahil binayaran nito ang kanyang iqama, plane ticket patungong Saudi, pati na ang ibiniyad sa Olivetto restaurant.

Pero tinutulan ni JL iyon dahil lahat, aniya, ng mga gastos na binabanggit ng kanyang employer ay binawas lahat sa kanyang mga suweldo nang nagtrabaho siya sa dalawang restaurant.

Taong 2011 nang humingi na ng tulong sa Labor si JL. Iligal na ang pananatili niya roon kaya TNT na, aniya, siya. Ngunit patuloy pa rin, aniyang, nanghihingi sa kanya ng pera ang dating employer na si Taher. Kaya nagtrabaho siya at noong panahong may nagnais na kumuha sa kanya, nakapagsimula na siyang mag-ipon, upang makabuo ng sapat na halaga upang makauwi na siya ng Pilipinas.

Ayon kay JL, nagtungo sila ni Taher sa Ras Tanurah at doon niya ibinigay ang perang hinihingi ng dating amo, dahil nangako itong pauuwiin siya at ihahatid sa airport, kapalit ng kanyang exit clearance.

Paniwalang-paniwala naman si JL na tutupad sa usapan si Taher. Ngunit sa halip na sa airport, sa Dammam jail siya dinala at pagkatapos ay inilipat sa Riyadh Jail.

May dalawang (2) buwan nang nakakulong si JL at nais niyang maasikaso sa lalong madaling panahon ang kanyang kaso roon upang muling makasama ang pamilyang napakatagal na panahon nang hindi niya nakita.

Ayon pa kay JL, huling balita niya mula sa ating embahada, may exit clearance na siya. Nangangahulugan itong binigyan din siya ng dating sponsor ng exit clearance na siya namang ini-apply nila para sa exit visa.

Ipinadala ng Bantay OCW sa tanggapan ni Secretary Rosalinda Baldoz ng DOLE ang kasong ito.

Mabilis namang kumilos si Labor Attache David Des Dicang at sa pamamagitan ng kanyang pakikipag-ugnayan sa ating Labor Attache ng Riyadh na si Labatt Resty dela Fuente, masaya nitong ibinalita na nakauwi na noong Miyerkules (April 2, 2014) ang ating kabayan at kasama na ngayon ng kanyang pamilya.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtutok sa mga kaso na inilalapit ng Bantay OCW.

The post NAKULONG SA RIYADH, NAKAUWI NA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>