PORMAL nang iprinoklama noong isang araw ang bagong halal na mga opisyal ng National Press Club na maglilingkod hanggang sa 2016, sa pangunguna nina President Joel Egco at Vice President Benny Antiporda.
Sa naganap na mapayapang halalan noong Linggo, Mayo 4, ay muling pinatunayan ng mga lehitimong mamamahayag na ang anomang alingasngas ng kaguluhan o pagkakabahagi ay isa lamang bunga ng malikot na imahinasyon ng iilan. Na hindi nararapat magkaroon ng puwang sa hanay ng mga lehitimong mamamahayag!
Dahil d’yan ay isang mainit na pagbati ang ating pinaaabot sa lahat ng mga nanalong opisyal ng NPC, kasabay ang paniniwala na muli na namang matatamo ng mga miyembro sa darating na dalawang taon ang mga benepisyo, ayuda at karangalang nararapat sa lahat ng kasapi ng pinakamalaking media organization ng bansa!
Kuyang Joel at Kuyang Benny, kongrats po sampu ng inyong mga kasamahan sa “Press Freedom Party!” Kailan ang inuman? Ehek!
Kasabay nito, ipinaaabot din natin ang taos-pusong pagbati sa mga kandidato na sa panahon ngayon ay bagama’t hindi pinalad ngunit mababakas sa kanilang mga mukha ang bukal sa loob na pagtanggap sa resulta ng halalan.
Alam po namin na gaya ng mga nanalo, kayo man ay walang ibang hangad kundi ang mapagsilbihan ang NPC na siyang kanlungan ng mga katulad naming maliliit na mamamahayag lalo na ang nasa malalayong lalawigan.
Kaya naman umaasa po kami na kayo ay makikipagtulungan doon sa mga nanalong opisyal para sa isang epektibong serbisyo.
Mabuhay po kayong lahat!
-o0o-
SA kasalukuyang kaganapan sa lalawigan ng Rizal ay mistulang inaamin na ng bagong upo na provincial director na si S/Supt. Bernabe Balba na siya ay inutil o walang magagawa laban sa iligal na sugal na naglipana sa buong probinsya.
Gaya ng lantarang “lotteng” ng gambling lord na si Bong Sola na naglipana ang operasyon sa mismong tungki ng ilong ni Kernel!
Maging ang mga pergalan nina Delma, Toyang, Arnold pilay at Bobby na nasa Montalban, Binangonan at Ibasan ay hindi rin kayang ipatigil ni Col. Balba. Lalo na ang pergalan ni Arnold sa gate 2, Cogeo at Pagrai, Antipolo (palengke)!
Sa puntong ito, masasabi natin na tanging si PNP Chief, Director General Alan Purisima na lamang ang natitirang pag-asa ng mga taga-Rizal upang mawakasan na ang nasabing iligal na gawain!
Dahil inutil ang kanyang provincial director sa Rizal! Pwe!
Sige nga, Gen. Purisima, sir, sampulan mo nga si Col. Balba.
Sipain mo, sir! Ehek!
The post MAPAYAPANG NPC ELECTION AT PNP CHIEF ‘WANTED’ SA RIZAL appeared first on Remate.
