Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

EVIDENCE DEPOSITORY ANG KAILANGAN (1)

$
0
0

Firing Line Robert Roque Jr.PARA maging matagumpay ang laban kontra iligal na droga, dapat na istriktong ipatupad ng gobyerno ang mga batas laban sa mga nagbebenta at gumagamit ng illegal drugs habang nagsasagawa ang narcotics agents ng honest-to-goodness campaign sa pagtiyak na hindi ang mga ito basta bibigay sa suhol o pressure ng pulitika mula sa lider ng mga suspek.

Sa kabilang banda, ang kawalang kaalaman ng mga law enforcer sa wastong pag-iingat sa mga ebidensya ay kadalasang nauuwi sa pagkakabasura ng korte sa mga kaso ng iligal na droga.

Eto, halimbawa, ang senaryo. Inaresto ang isang marijuana pusher nang maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa isang tin foil. Dadalhin ng imbestigador ang nasabing droga sa Police Crime Laboratory (PCL) o sa National Bureau of Investigation (NBI) para suriin.

Kung makukumpirmang marijuana nga, ang kumpiskadong droga ay ipiprisinta sa korte bilang ebidensya.

Para sa isang pipitsuging drug pusher na may pipitsugin ding abogado, posibleng magtagumpay ang kaso.

Ngunit kung ang akusado ay isang big-time drug lord na can afford ang serbisyo ng isang abogadong de campanilla, malaki ang posibilidad na ma-dismiss ang kaso, sa katwirang palpak ang pag-iingat sa ebidensya.

Itatanong ng matinik na abogado: Gaano kasigurado ang imbestigador na ang marijuana na ipinasuri niya sa PCL/NBI ay ang mismong ibinalik sa kanya o iprinisinta sa korte? May pruweba ba ang imbestigador na ito na ‘yun ang “the same banana?”

Minsan nang nabanggit sa akin ng isang city prosecutor na karaniwang hindi namamarkahan ng mga imbestigador ang ebidensiya, sa kasong ito ay ang pinagbalutan o ang pinaglagyan ng nakumpiskang iligal na droga, na siyang dapat gawin.

Kapag na-dismiss ang kaso, karaniwan nang sisisihin ang prosecutor at ang hukom na may malisyosong bulungan, kasabay ng pagpapalitan ng kamay na may kipkip na pera.

Dapat siguro na may isang ahensya na mag-iingat sa mga ebidensyang ipiniprisinta sa korte.

Isang national depository na magkokontrol sa pagpapasa-pasa ng mga ebidensya, gaya ng iligal na droga, o baril o smuggled goods.

*                 *                 *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

The post EVIDENCE DEPOSITORY ANG KAILANGAN (1) appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>