Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SABWATAN NG MMDA AT TOWING OWNERS

$
0
0

CHOKEPOINT bong paduaDAPAT silipin ni Chairman Tolentino ang ulat na ang towing operations sa Metro Manila ay pinagkakakitaan ng ilang tiwaling MMDA personnel.

Multi-million racket, ganyan ang pagsasalarawan sa Chokepoint ng isang MMDA insider sa operasyon ng towing trucks sa buong Kamaynilaan.

Sa mga nagdaang araw, laman ng media reports ang pang-aabuso ng mga towing truck, partikular sa lungsod ni Manila Mayor Erap.

Patakaran ng MMDA na kailangang magpa-accredit ang mga towing firm na nais magsagawa ng towing saanmang sulok ng MM. At ayon sa ating insider, para makakuha ng accredition permit ang isang towing applicant, malaking halaga ang kanyang inilalabas.

Ang business na ito ay ‘picking apple’, ibig-sabihin malaki ang kita, kaya kahit milyones ang lagay ay sumusugal ang towing owners. Dahil milyon ang puhunan makakuha lamang ng MMDA accredition, ang ending – nagre-resort ang mga towing operator sa pang-aabuso.

Diyan na pumapasok ang pangsusuyod sa mga sasakyan na kahit maayos na naka-park ay hinahatak ng mga walanghiyang towing owner. May patuntunan ang MMDA sa paghatak sa sasakyan pero hindi sinusunod ng mga towing firm dahil ang habol ay malaking kita.

Kailangan nilang humatak nang humatak ng sasakyan para maabot ang tinatawag nilang ‘quota’ para makuha ang ilalagay sa MMDA contacts.

Ayon sa ating MMDA insider, nagsasagawa ng paghatak kapag naka-parking sa maling lugar at nakao-obstruct sa kalsada ang sasakyan.

Kapag nakahimpil sa gilid ng kalsada, pagsasabihan ang driver at kung ayaw talagang umalis, pupuwedeng hatakin ang sasakyan. Ang premise rito, nakao-obstruct ang sasakyan kaya para ‘di magkaroon ng problema sa trapiko, kailangan itong hatakin.

Sa mga sasakyan na nagkakaroon ng problema sa makina, bibigyan ang driver ng tinatawag na ‘allowable time’ para gawin ito. Ngunit kapag talagang ‘di magagawa ang sasakyan at natapos ang ‘allowable time’ na itinakda, walang dahilan para ito’y ‘di hatakin.

Pero kahit napakaraming nagrereklamo, dinededma lamang ng MMDA. Ito’y dahil nga sa ilang namamahala sa towing operations ng ahensya ay kasabwat ng mga walanghiyang towing operator.

Puwede naman daw ireklamo sa MMDA ang pang-aabuso ng towing firm. Tama, pero, Chairman Tolentino, napakalaking abala.

Oo nga’t ika’y nagsampa ng reklamo, aba’y baka magkaroon ng ‘lutuan’ at sayang lang ang oras  ng nagreklamo. Dahil nga ‘yan ang totoo, Chairman Tolentino.

Ang daming nagreklamo, eh, pero nagsiuwing luhaan, ayon sa ating MMDA insider.

Ang masama, baka nagagamit pa si chairman sa pangongotong ng mga MMDA personnel na kasapakat sa multi-million towing racket.

The post SABWATAN NG MMDA AT TOWING OWNERS appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>