Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TF ‘GENBOB’ NAMAMAYAGPAG

$
0
0

pakurotBAGAMAN hirap sa pagsuporta sa mga pangangailangan ng kanyang mga opisyal at tauhan, nanindigan si Manila Police District (MPD) director Chief Supt. Rolando Asuncion na ipatupad ang kanyang kampanya laban sa sugal sa kanyang nasasakupan.

Pilit pinagkakasya ni Asuncion ang kung anomang meron ang MPD upang makatawid sa krisis na pinagdaraanan sa kasalukuyan. Kaya nga ang laking pasasalamat ng heneral sa tulong pinansyal para sa mga pulis na ipinaabot ni Mayor Estrada noong nakaraang linggo.

Malaki nga namang tulong ang P10,000 allowance sa loob ng apat na buwan na bigay ni Estrada sa mga pulis na kinikilala ng una na malaking tulong para sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa lungsod na kanyang pinaglilingkuran.

Tuloy-tuloy lang ang kampanya ni Asuncion laban sa iligal na sugal na ibinutas sa kanya ng  ilang magigiting na konsehal ng Maynila na ang isa sa mga ito ay dating alipores ni dating Mayor Alfredo Lim at sobra-sobra kung banatan noon si Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso pero nang magkasakit ay si Isko ang tumulong sa kanya.

Ganu’n talaga ang buhay. Pana-panahon lang. Kaya nga mas maganda kung walang magsiraan at lahat ay kumilos para sa ikagaganda ng buhay ng lahat at hindi ng iilan.

Lamang, marami pa ring pulis ang hindi sumusunod sa “total war against illegal gambling” na ipinag-utos ni Asuncion sapagkat takot ang mga ito na magutom. Hindi sila takot na masibak sa puwesto dahil may mga padrino sila.

Natatandaan ko nang sabihin ng matikas na heneral na tatlong tao lang ang susundin niya sa kanyang panunungkulan sa Maynila: sina PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima, NCRPO director, Chief Supt. Carmelo Valmoria at Mayor Estrada.

Kaya nga walang karapatan ang isang retiradong heneral na igiit ang sarili niya sa Manila City Hall na mag-utos sa mga pulis na luwagan ang video karera ni Gina Gutierrez dahil ito na lamang daw ang napagkukunan ng intelihensya.

Sa totoo lang, mga pulis na nakatalaga sa itinayong Task Force “GenBob” ang umiikot at nangongolekta sa iligal na sugal.

Aba naman! Huwag niyang ipagmalaki na consultant siya ni Mayor Erap at siya ang naglapit kay Gen. Asuncion sa alkalde. Parang sina Secretary Mar Roxas at PNP chief Purisima ang nakipag-usap kay Yorme, sa pagkakaalam ng marami.

Gen. Asuncion, kaibigan mo raw si GenBob? Kaya siya ang namamayagpag sa koleksyon sa sugal?
Parang mali namang gutom ka habang siya ay bondat na.

The post TF ‘GENBOB’ NAMAMAYAGPAG appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>