Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SEN. JV vs SEN. JINGGOY!

$
0
0

CHOKEPOINT bong paduaSAMPUNG senador – ayon sa report – ang lumagda na sa Blue Ribbon Committee report hinggil sa isinagawang imbestigasyon sa multi-billion pork barrel scam.

Sa nasabing report, inirerekomenda ang pagsasampa ng kasong plunder kina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla. At ang nakatawag pansin na hindi inasahan ng maraming sumusubaybay ay ang ginawang pagpirma ni Sen. JV Ejercito sa nasabing report.

Kung ang mga kasama sa minority ay singkupad ng pagong kung magdesisyon, kabaliktaran ang nakabibilib na ipinakitang aksyon ni Sen. JV.

Hindi ito nagpatumpik-tumpik dahil kaagad ay pinirmahan ang committee report na siguradong magpapakulong sa kapatid na si Sen. Jinggoy.

Sa magkakapatid, nananaig ang kasabihang ‘Blood is thicker than water’, pero naging wa-epek ito dahil sinira ni Sen. JV.

Sa pakiwari natin, nanaig sa senador ang paghahanap ng katotohanan sa likod ng isyu ng multi-billion pork scam na kinasangkutan ng tatlong kaalyadong senador.

Hindi man marahil ipinakikita, sa kaibuturan ng kanyang puso, masakit ang pumabor sa isang desisyon na magpapabagsak sa isang kapatid. Ngunit sa kabilang banda, ang ginawang pagpirma ni Sen. JV ay maituturing na kapuri-puri dahil ang nakataya rito ay ang paghahanap ng katotohanan.

Kung may natutuwa ay tiyak na may nagagalit, pero kung ang hanap nga natin ay katotohanan, tama ang naging desisyon ni Sen JV.

Ang katulad niya ang matagal na nating hinahanap.

Sana, si Sen. JV ang magsilbing inspirasyon ng mga kaalyado sa minority block sa Senado para tuloy-tuloy na umusad ang isyu tungkol sa multi-billion pork.

Kailangan kasing magdesisyon ang natitira pang mga senador na ‘di pumipirma sa committee report kung nais nilang lumabas ang katotohanan.

Matagal-tagal na rin kasi ang isyung ito. Naiinip na ang bayan.

‘Di biro ang bilyon-bilyon na ninakaw na kaban ng bayan.

Dapat managot ang sumalaula sa pera ni Mang Juan.

‘Di na dapat patagalin, sana sa lalong madaling panahon.

The post SEN. JV vs SEN. JINGGOY! appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>