Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KALOKOHAN NI NAPOLES AT LASON NG FILMINERA

$
0
0

burdado-jun-briones24MATINDI talaga ang katarantaduhan nitong si Janet Lim-Napoles, ang tinaguriang pork barrel queen.

Biruin mo, parekoy, matapos paikutin ang tumbong ng napakaraming mambabatas para lamutakin ang sandamakmak na pera ng bayan, ay ang hudikatura naman ngayon ang ginago!

Dahil kahit pinababalik na siya ng korte roon sa “bungalow” na nagsisilbing piitan niya ay nakaisip na naman ito ng paraan para hindi lumabas ng ospital. Kesyo, wala raw siyang pambayad sa kanyang hospital bill na nasa isandaang libong piso.

King-ina, saan niya dinala ang daang milyong pisong kaparte niya mula sa kinulimbat na pera ng bayan? At sinong gago naman kaya maniniwala na wala nga siyang pambayad sa ospital?

In the first place, bakit naman kasi pinatulan ng korte ang layaw ni Napoles na roon sa mamahaling ospital magpagamot?

Paano ngayon ‘yan kung talagang panindigan ng lintek ang kanyang kasinungalingan na talagang wala siyang pambayad?

Eh, ‘di ibig-sabihin, d’yan na lang siya mamalagi sa loob ng ospital? Ang angas talaga ng bwakang ina, siya pa rin ang nasusunod kung saang lugar niya gustong makulong o mamalagi!

‘Yan, parekoy, ang epekto nitong buwisit na Daang Matuwid ni PNoy, ang mga gago’t mangungulimbat ang nagdidikta kung ano ang kanilang gusto. At todo-suporta naman si PNoy! Pwe!

-o0o-

ISA pang katarantaduhan, parekoy, sa lintek na Daang Matuwid ni PNoy ay ang pagiging kurakot ng Region 5 Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng DENR.

Aba, eh, kahit matinding reklamo na ang ipinararating ng mga Masbatenyo sa kanilang tanggapan kaugnay sa lason na ibinubuga ng Filminera Mining ay hindi talaga kumikilos ang mga demonyo!

Sa bayan, parekoy, ng Aroroy, Masbate ay lantaran na talaga kung padaluyin ng hijo de-putang minahan ang kanilang lason patungo sa ilog na siyang lumalason hindi lamang sa mga isda kundi maging sa kapaligiran at sa mga residenteng naninirahan sa lugar!

Pero sa kabila nitong kahayupan ng Filminera ay patuloy lang sa pagbubulag-bulagan ang MGB. Marahil ay totoo nga ang mga ulat na milyones ang padulas ng Filminera sa lintek na MGB para imbes na silipin ang mga paglabag sa batas na ginagawa ng Filminera ay nagsisilbi pa itong kasabwat sa kademonyohan!

‘Yan, parekoy, ang sinasabi nating epekto nitong ipinangangalandakan ni PNoy na Matuwid na Daan. Na kesehodang kulimbatin ang pera ng bayan at lasunin ang ating karagatan at kapaligiran ay oks lang, ang importante ay nasa atin ang Matuwid na Daan! Bwakang-ina!

The post KALOKOHAN NI NAPOLES AT LASON NG FILMINERA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>