SILIPIN natin ang mga iligal na pasugal na ilang metro lamang ang layo mula sa police station at municipal building ng bayan ng Lobo, Batangas.
Lantaran at hindi mapatigil ang mga pasugal gaya ng color game, beto-beto, drop ball, sakla at iba pa, kaya animo’y isang mini-casino ang pasugalan na pinatatakbo ng katiwaldas, este, katiwalang si Boknoy.
Ang mga iligal na pasugal na ito na pinatatakbo ni alyas Boknoy ay protektado raw ng buong puwersa ng kapulisan ng bayan ng Lobo.
Wala raw kasing ipinangangalandakan itong si alyas Boknoy kundi may pag-uusap na sila ni Lobo, Batangas Mayor Jurly Manalo.
Kaya naman buong yabang na ipinamamalita ni alyas Boknoy na may permit (kuno) na inisyu si Mayor Manalo para maglagay siya ng rides at perya para sa pistang bayan na nagiging front ng pasugalan.
E, kung dudungaw nga sa bintana ang hepe ng kapulisan ng bayan ng Lobo ay mabubungaran niya ang lantarang pasugalan na pinatatakbo ni alyas Boto.
Paging Batangas PD Supt. Omega Jireh Fidel, kailan ba kayo kikilos?
NCRPO PATULOY ANG PANGONGOLEKTA
ANONG klaseng ‘no take policy’ ang pinaiiral ni NCRPO chief Gen. Carmelo Valmoria sa buong Metro Manila?
May mga gumagalaw at nangongolekta kasi ng lingguhang intelihensiya mula sa vices gaya ng iligal na pasugalan, sauna bath, casa, vendor at iba pang mga kailigalan.
Katunayan ay patuloy raw na nagpapakolekta sa nasabing vices sina Col. Macaraeg ng R6 at Gen. Bantolo ng CDS ng NCRPO kina Falwart ng QCPD, Matti EPD, Mike Irinco ng SPD at Joel Cruz ng NPD at De Guzman ng MPD.
Hindi ko lang alam kung binigyan ng basbas ni Gen. Valmoria sina Macaraeg at Bantolo para magpakolekta sa vices.
o0o
Anoman ang reklamo, mangyari ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.
The post SUGALAN SA BAYAN NG LOBO BINIGYAN NG PERMIT NI YORME appeared first on Remate.
