Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

JOINT O PARALLEL PROBE AT PAGBAGSAK NG GOBYERNO

$
0
0

_benny antipordaWALANG pagpipilian ang mga mambabatas kundi buksan sa publiko ang listahan ni Janet Lim-Napoles ukol sa mga magnanakaw sa pamahalaan.

‘Yun bang === mga magnanakaw sa Senado, Kongreso at Palasyo.

Kung hindi nila gagawin ito, parang nakikini-kinita na natin ang pagkaulit ng naganap noong may isang impeachment case ilang taon na ang nakalilipas.

Hindi binuksan ang isang sobre na naglalaman umano ng mahalagang ebidensya laban sa in-impeach na opisyal.

Ang sumunod, muling sumugod sa EDSA ang mga mamamayan at wala nang nagawa ang mga hukuman, maging ang mga mambabatas at Malakanyang, sa pagbabago.

SENADO KUMILOS

ANG sabi ni Senador TG Guingona III na chairman ng Senate blue ribbon committee, ipasu-summon nito ang mga listahan ni Napoles.

‘Yun bang === pipilitin nitong isumite ni Justice Secretary Leila de Lima ang hawak nitong listahan.

Pero tila pag-aaralan pa ito kung mananawagan sila ng imbestigasyon o hindi na….Kung ipatatawag ng komite, lalo na si Napoles, para humarap sa imbestigasyon.

Kung ganyan kalabo ang sinasabi ng Senado, nag-aalala tayo sa reaksyon ng mga mamamayan, mga Bro.

Hindi nila dapat na maliitin ang mga mamamayan sa usaping ito.

KAMARA MALABO

TILA isinara naman ng Kamara ang pintuan nito sa isang imbestigasyon sa parehong problema.

Hiniling na ng ilang oposisyon, lalo na si Cong. Toby Tiangco, na mag-imbestiga ang Kamara.

Pero mas malamig pa sa ilong ng pusa ang sagot ng liderato sa kanyang kahilingan.

Tanong niya, ano ang itinatago ng liderato ng Kamara at ayaw nitong mabusisi ang listahan ni Napoles?

KKK NI PNOY

AYON kay ex-Sen. Ping Lacson, may 90 na kongresman na sangkot sa Napoles scam.

Sabi naman ni Ma’am Sandra Cam, 80 porsyento sa mga korap ang mga Kapartido, Kapanalig at Kaibigan ni Pangulong Noynoy, lalo na sa Senado.

Pero ganito rin ba ang katotohanan sa Kamara?

Ito ba ang dahilan kung bakit dinededma ng liderato ng Kamara ang kahilingang parallel investigation?

JOINT PROBE

KUNG tayo ang tatanungin, hindi parallel investigation ang kailangan kundi joint investigation.

Sa parallel investigation ay magkahiwalay ang Senado at Kamara sa pagsasagawa ng imbestigasyon. Sa joint investigation, magkasama na sila.

Sisirain nila ang sinasabi nilang “interparliamentary courtesy” alang-alang sa interes ng sambayanan na siya namang dapat na mangibabaw sa lahat ng interes sa mahal kong Pinas.

Sa joint investigation, mas magiging madali ang pagbusisi sa iskam at hindi uubos ng maraming panahon at salaping bayan ang mga kinauukulan.

2 PANG LISTAHAN ISAMA NA

HINDI lang ang listahan ng mga korap at mandarambong ni Napoles ang ilabas at mabusisi.

Dapat maisama na rin ang listahan na hawak nina idol Ping at Sandra.

Ito’y upang magkaalaman na sa buong katotohanan.

Kalakip nito ang pagpapatawag na rin sa lahat ng mga pinagmulan ng impormasyon gaya ng waswit ni Janet na si Jimmy at ang nagbigay ng listahan kay Ms. Sandra.

Dito na magaganap ang pagkilatis kung niretoke o hindi ni Ma’am Leila ang listahang ibinigay sa kanya ni Ma’am Janet.

IILAN LANG ANG NAGSASALITA

DIYAN sa Senado, mga Bro, nakapagtatakang nakabibinging katahimikan ang naririnig mula sa nakararaming senador.

Silence means “yes” sa mga estudyante. “Yes” din ba ang sagot ng nakararaming senador sa bintang na kasama sila sa listahan?

At “yes” din ba ang maririnig natin sa kanila na sila’y mga korap o mandarambong?

‘Yun bang === yes na katulad ng yes ni Ruby Tuason sabay sauli ng katiting sa umano’y nakulimbat nito.

Sabi sa mga ulat, nasa P40 milyones na nakaw na yaman lang ang isinauli ni Ruby kahit na nasa P240 milyon umano ang nakulimbat nito.

SINO ANG MAG-AALA-RUBY TUASON?

KUNG sakaling malalantad ang lahat ng pangalan ng mga senador na sangkot sa Senate inquiry, kung magkakaroon man, sino ang mag-aala-Ruby Tuason?

‘Yun bang === aamin ng kasalanan, sabay sauli ng katiting ng kanilang mga pinagnanakaw.

Saka sila magiging state witness para maging Makapili laban sa kanilang mga kapwa kawatan.

SINO ANG MAKATATANGGAP?

SAKALING makilala na ang lahat ng mga sangkot na senador sa nakawan sa salaping bayan, kasama na ang mga nasa Palasyo at Kamara, kahit sa Senate investigation, sino ang makatatanggap na mamamayan sa magiging drama ng mga ito, kabilang na ang pagiging state witness ng mga korap?

Mayroon kayang matitirang mamamayan na mapagpatawad at magiging maunawain sa mga impaktong korap at mandarambong?

Nagtatanong lang po!

BABALA

NAGBABALA si idol Ping Lacson na baka bumagsak ang Senado kung malalantad ang lahat ng mga senador na sangkot sa iskam ni Napoles.

Dagdagan natin ang babala, mga Bro. Hindi lang ang Senado ang babagsak.

Baka gegewang din mismo ang Palasyo, lalo na kung totoong 80% sa mga sangkot ang KKK ni PNoy.

At lalong gegewang silang lahat kung hindi sila mag-iimbestiga.

Matanong lang natin.

Hindi kaya tatatlong senador lang ang matira kung sakaling magtuturo si Ma’am Janet sa pagtawag sa kanya sa Senado?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post JOINT O PARALLEL PROBE AT PAGBAGSAK NG GOBYERNO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>