ANG mensahe kay Secretary Ramon J.P. Paje ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagdiriwang ng Earth Day 2014, ang 44th na taon ng pandaigdigang selebrasyon, na may temang, Earth Day Everyday, Everywhere, for Everyone.”
Sa kasalukuyan, ang Metro Manila ay isa sa 24 na megacities sa buong mundo o urban centers na may papulasyon na mahigit sa 10 milyong tao bawat siyudad. Samantala ang papulasyon ng Metro Manila ay inaasahang aabot sa 12.22 milyon sa darating na 2015 at 13.79 milyon pagsapit ng 2040.
Ang paglobo ng papulasyon na ito ay magtuturo sa atin sa maayos na estratehiya sa dapat gawin upang malunasan at maisaayos ang nauukol sa climate change.
Ang pagtutuon ng pansin na gusto nating gawin ng mga syudad ukol dito ay hindi naman sa pamamagitan ng mga nasa countryside, na kung saan ang pagkain at tubig na siyang pinagkukunan ng mga nasa syudad.
Ang ating countryside ang tahanan nang halos lahat ng ating biodiversity at kagubatan na tumutulong upang maabsorb ang labis na carbon dioxide sa ating himpapawid. Ang pagpapatuloy ng pag-unlad ng ating bansa ay nakadependeng mabuti sa malusog na kapaligiran gayundin sa pagsulong ng countryside, na ipagpapatuloy nating ipagsasanggalang at pangangalagaan.
Sa puntong ito, hinihimok ko ang ating mga mamamayan bilang indibidwal, komunidad, at organisasyon na gawin ang pagdiriwang sa taong ito ng Earth Day na makabuluhan, sa pamamagitan ng kanilang positibong partisipasyon. Bawat isa sa atin ay maaaring makagawa ng kani-kanilang kontribusyon, at kung sampu sa milyon sa atin ang gagawa, marami sa atin ang makagagawa nito, sa kabuuan ito ay magiging makatotohanan, makabuluhan at kanais-nais para sa lahat.
Maaaring ang iba ay susunod at gagaya din.
The post IKA-44TH NA TAON SELEBRASYON NG EARTH DAY 2014 appeared first on Remate.

