PURSIGIDO si Komisyuner John Sevilla, ng Bureau of Customs, na isulong ang reporma sa lahat ng daungan sa bansa.
Mapa-airport, mapa-seaport ay pinababantayan ni komisyuner ang mga ismagler.
At ang pang-PR pa ni komisyuner, parekoy: Pati mga tiwaling tauhan ng BOC ay bantay-sarado.
Kasi, parekoy, sila nga naman ang kalawang na ngumangatngat sa tigas ng paninindigan ng “matuwid na daan.”
Mister Komisyuner, una mong ipasilip ang grupong Abu-Santi sa Aduana, na siyang kasador ng tinatawag ngayon na “selective tara” sa Port of Manila at MICP.
Pabantayan mo rin, Mister Komisyuner, ang isang Mang Berto Quintanar ng X-ray section kasi hindi ako sigurado kung bilib siya sa iyong litany para sa “Daang Matuwid” kada flag ceremony.
Kasi naiirita yata itong si Mang Berto tuwing naghihimok ka ng “selfie” sa mga naka-barong mong kasamahan pagkatapos ng flag-raising. Har-har-har!
oOo
SA Ninoy Aquino International Airport terminal, parekoy ay may siga na taga-Customs na nagtatago sa palda ng mga cashier.
Kasi gusto niyang resbakan ang kanyang mga, Sir, dahil sa repormang ipinatutupad pero ayaw naman niyang lumutang, kaya anonymous na lang daw ang kanyang sumbong sa mga batang media.
Galit kasi sa ilang opisyal at kawani ng NAIA-Enforcement for Security Services District itong ayaw magpakilalang Customs policewoman at nagpatawag na lang sa alyas na Anita Sungay.
Kaya sumulat siya sa ilang kilalang personalidad sa media para gibain ang kanyang mga Sir.
Ang hindi alam ni Madame Sungay, bistado na siya sa buong Terminal 1, 2, 3 at 4 ng NAIA.
Alam na ng mga taga-ESS sa NAIA, parekoy, na ang mga ibinibintang o isinusumbong nitong si Madame Sungay sa kanyang “white paper” ay siya mismo ang gumagawa.
Sa Ingles, parekoy, ay reverse psychology. Har-har-har!
Mga sir at madam, ‘wag ho kayong mag-alala at hindi pagagamit ang mga batang media sa istayl-bulok nitong si Madame Sungay.
Pero sa oras na mayroong maglabas ng pruweba na may katiwalian nga, o kaya ay moro-moro lang ang repormang ipinatutupad sa NAIA/ESS ay pipitpitin natin ang yagbols ng mga opisyal at tauhan nito.
Pramis ‘yan, parekoy.
The post BUKING NA SI MADAME SUNGAY NG NAIA-ESS appeared first on Remate.
