Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANO BA TALAGA?

$
0
0

CHOKEPOINT bong paduaAKALA natin ay matutuldukan na ang multi-billion pork issue dahil sa Napoles list ng mga personalidad na umano’y sangkot sa naturang scam.

Subalit sa nakikita nating kaganapan, tila hindi mangyayari ang ating sapantaha na matatapos na ang pork probe, bagkus ito ay magtatagal pa.

Marami ang natuwa dahil si Napoles na numero unong nasasangkot ang mismong nagsasabi kung sino-sino ang mga sangkot sa anomalya. Pero imbes na makatulong ang kanyang listahan na ibinigay kay Sec. Leila de Lima, pakiwari natin – nakadagdag pa yata ito ng maraming problema.

Bukod kasi kay De Lima, binigyan din pala ni Napoles ng kanyang listahan sina rehabilitation czar Sen. Ping Lacson at Sandra Cam.

Ayon kay De Lima na siyang unang nagbulgar sa listahan, maraming miyembro ng Senado at Kamara ang nabanggit sa Napoles list.

Dahil ang lahat ay nais malaman kung sino ang mga sangkot, pinipilit si De Lima na ilabas na sa madla ang laman ng listahan. Ngunit sa ‘di malamang dahilan, hanggang ngayon ay ‘di pa niya inilalabas.

Sa pangamba na ‘nililinis’ ng mga magikero sa gobyerno ang listahan, nagbabala si Lacson na ilalabas ang Napoles list sa kanyang kamay. Lumalabas na ang dating senador at ngayo’y Yolanda rehab boss at whistleblower Sandra Cam ay binigyan ng listahan ni Napoles.

Maaaring kaya ibinigay ni Napoles ang listahan sa tatlo ay para ito’y ‘di ma-magic at mamaniobra. Magaling talaga si Napoles!

Ang ating kongklusyon – magtatagal pa ang pagsisiyasat – baka wala na sa poder si PNoy pero ‘di pa naparurusahan ang mga sangkot.

Agenda? Ano ba talaga!

SIBAKIN SI CAPT. DE CASTRO

DAPAT sibakin na ni DILG Sec. Mar Roxas ang mga tatamad-tamad na police chief at unahin mo na, secretary, si Capt. Allan Avena de Castro. Dahil ang chief of police na ito ng Taal, Batangas ay tila tutulog-tulog sa pansitan. Ala e, pergalan lang ni ‘Beth’ sa Brgy. Cultihan, ‘di pa kayang isara. Sa Natunuan Proper, San Jose  ay buhay na buhay rin ang pergalan na punong-puno ng iba’t ibang uri ng sugal.

Si Maj. Oliver Ebora at Mayor Tiquio Briones ay tutulog-tulog din.

Abangan natin ang aksyon ni Sec. Mar. Karapat-dapat ba siyang iboto sa pagka-Pangulo? Aba’y kailangan magpakitang gilas ka, secretary.

The post ANO BA TALAGA? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>