Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PATAYAN SA CALOOCAN NG BARANGAY OFFICIALS, UNLI

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB3NAGTATAKA ang mga barangay official sa Caloocan kung bakit hindi kayang mapigilan ng lokal na pulisya at ng pamunuan ni Mayor Oca Malapitan ang ginagawang pagpatay sa kanilang mga kabaro na nagsisilbi sa mga residente sa kani-kanilang lugar.

Base sa rekord ng pulisya, simula lamang noong Enero 2014 ay umabot na sa limang barangay officials ang napapatay ng mga gumagalang triggerman habang dalawa sa mga ito ang pinalad na makaligtas bagama’t nasugatan din sa pamamaril.

Ang nakapagtataka pa rito, kahit isa sa mga gumawa ng krimen ay wala pa ring nahuhuli ang mga tauhan ng Caloocan City Police kaya hanggang ngayon ay patuloy na humihingi ng katarungan ang pamilya ng mga napatay na barangay officials.

Mistulang nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan din ang pulisya at lokal na pamahalaan sa nangyayari dahil wala man lamang extra effort o kakaibang diskarte ang mga ito upang mapigilan ang pagkitil sa buhay ng mga barangay officials.

Hindi man lang nagbibigay ng reward money si Malapitan sa makapagtuturo, makapagbibigay ng impormasyon o makahuhuli sa mga triggerman nang sa gayon ay mayroong magkalakas ng loob na ituro ang mga kriminal.

Kaya lalong higit na nangangamba ngayon ang mga residente para sa kanilang kaligtasan. Katwiran nga ng mga residente, kung ang mga barangay officials ay kayang-kayang patayin, sila pa kaya na walang kalaban-laban at lalong walang kakayahan na ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Base sa talaan, pinakahuling napatay si Kagawad Rogelio Escano ng Brgy. 44 sa Tony’s Restaurant sa 8th Avenue habang nagluluto ito noong Mayo 9.

Nito namang May 7 tinambangan ng riding-in-tandem si Kag. Garry Moralla, 26, ng Brgy. 181 na naging dahilan nang maaga nitong kamatayan at ikinasugat ng asawa nitong si Jonalyn.

March 25 nang pagbabarilin at mapatay ng riding-in-tandem din si Chariman Pedro Ramirez, ng Brgy. 183 dakong 7:45 ng umaga sa Gate 2, Amparo Subdivision, Quirino Highway.

Bago ito, si Kag. Luisito Banzon, ng Brgy. 187 ang pinagbabaril din ng riding-in-tandem sa harapan ng bahay nito sa Sunflower St., Tala ngunit nakaligtas ito sa tiyak na kamatayan.

Nakaligtas din kamatayan si Kag. Edward Jundayao ng Barangay 174 matapos barilin ng hindi nakilalang triggerman sa harapan ng kanilang bahay sa Waling-Waling St., Camarin.

March 3 naman nang tambangan at mapatay rin si Chairman Alejandro Bonifacio, ng Brgy. 163 at napatay rin sai Chairman Felipe Alday, ng Brgy. 178.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin matukoy ng pulisya kung magkakaugnay ang mga krimen at ang mga motibo rito.

The post PATAYAN SA CALOOCAN NG BARANGAY OFFICIALS, UNLI appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>