Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAMAMAYAN LITO SA GOBYERNONG BULAAN

$
0
0

pakurot3MALAKAS ang ugong-ugong na nais na ni pork barrel scam whistleblower Benhur Luy na umalis sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DoJ) sapagkat masakit na ang kanyang ulo.

Hindi nagsuot ng helmet si Luy na dapat sana ay proteksyon niya sa mga bukol na kanyang makukuha mula sa mga taong bumubulong (hindi tumutulong) sa kanya sa pagsisiwalat ng katotohanan ukol sa mga nakulimbat ng mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa pondo ng bayan.

Binitiwan umano ni Luy ang kanyang abogadong si Atty. Levito Baligod sapagkat sumakit ang ulo niya sa bukol na likha ng abogado matapos umanong hingian ng milyones ang mga mambabatas para hindi sila masangkot sa iskam.

Sa madaling salita, kumita raw ang abogado gayong naiwan sa ere ang kanyang kliyente.

Ngayon, lumutang ulit ang abogado upang ipagtanggol ang mga mambabatas na posibleng nakuhanan niya ng salapi kaya’t ipinipilit na tatlong sendor at sampung mambabatas lang ang nasa listahan ni Luy.

Paano nga ang ilang nagbigay ay kanyang pinoprotektahan.

Ang nagagawa nga naman ng salapi. Kumikinang kaya’t hindi lumalabas ang katotohanan.

Nais na ni Luy na lumabas sa WPP dahil pinagkakaperahan lang siya ng mga taong gobyerno na nagpapanggap na tumutulong sa kanya. Sa halip na siya ang magkapera, siya ang nagiging daan lalo upang magkamal ng salapi ang mga hunyango.

Batid ni Luy na nagagamit lang siya ng pamahalaang Aquino para maghiganti sa mga kalaban sa pulitika na magiging balakid sa kanyang pamumuno.

Kaya nga nagsasabi man siya ng totoo ay ine-edit naman ito ng DoJ.

Maraming sangkot sa anomalya, kabilang na ang mga kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III subalit ipinipilit ni DoJ Secretary Leila de Lima na tatlong senador lang ang may matibay na ebidensya kaya nga naunang inipit ang mga ito at pilit ipinakukulong.

Sina Sens. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrara at Ramon “Bong” Revilla kasi ang inunang hinanapan ng butas gayong itinuturo rin ang ilang kaalyado ni Aquino subalit “dedma” lang basta tutok sila sa pagpapakulong sa tatlo.

Masyado bang kabado ang gobyerno sa tatlong taong ito? Kaya nga kahit magkaloko-loko ang listahan ni Luy sa mga sangkot ay walang pakialam ang gobyerno?

Hindi na tuloy alam ng mga mamamayan kung sino ang paniniwalaan. Kaya dapat maging mapagmasid at matutong mag-analisa ang taumbayan sapagkat ang mga nasa poder ngayon ay pawang bulaan.

The post MAMAMAYAN LITO SA GOBYERNONG BULAAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>