MGA parekoy, masyado nang nagagamit o halos araw-araw ay ginagahasa ng ating mga politiko at opisyal si Yolanda, ang bagyong nanalasa sa Visayas region, partikular na sa Leyte.
Eh, bakit ka n’yo, parekoy? Mantakin n’yo naman, kapag pera ang pinag-uusapan, si Yolanda ang may kasalanan.
Naturalmente….kapag iyan na ang isinagot, wala tayong magagawa kundi sumagot ng “unga” (pinaikling oo nga), dahil tanggap naman ng lahat ang gigantic effect ng nasabing kalamidad na humagupit noong Nobyembre 8, 2013.
Pero, parekoy, ito ang pinagngingitngit ko, alam naman ng lahat na sa nasabing trahedya, muling natauhan ang buong mundo upang maramdaman ang pagmamahal sa kapwa.
Ilang bansa ang nag-pledge ng tulong, in kind at in cash para lamang matulungan ang mga survivor. Bilyong piso ang dumating sa bansa, pwera pa riyan ang services at goods….at ang mga pagkaing nabulok dahil hindi agad naiabot sa mga kaawa-awa nating kababayan.
Ang ipinupunto ko, parekoy, kung bakit umiinit ang ulo ko ay nang idahilan ng ating pamahalaan na kaya humina o bumaba ang gross domestic product sa unang quarter ng taon na 5.7 percent, mas mababa sa 6.3 percent noong December 2013, ay dahil daw kay Yolanda.
Kesyo maraming sinirang ari-arian at imprastraktura, kasama na ang paaralan at mga gusali.
Pero….anak ng tinapa naman, parekoy, tumaas ang BP ko, ah! Eh, ‘yung sinasabing sinira ni Yolanda, nagbigay ng tulong ang international community para sa rehabilitation ng mga winasak at pati na ang kanilang tauhan ipinadala na rin sa rehab effort.
Ano pa itong sinasabi ng ating mga ekonomista na si Yolanda ang dahilan?
King Ina! Ano ito lokohan? Napakasimple lang, parekoy. 1 plus 1, may nasira, may nagbigay. O nasaan na?
Eto pang nakabubuwisit, parekoy, pati ba naman ang Department of Education ay ginamit na rin si Yolanda.
Kasi raw kaya nagsiksikan noong Lunes ang mga estudyante sa silid-aralan dahil nasira ang mga ito ng super bagyo.
Talaga naman…super sisi talaga, ha. Eh, anim na buwan na ang nakalilipas, parekoy, hindi man lang ba naitayo ang mga nasirang eskwelahan?
Nagtanong pa ako, parekoy. Eh ‘yung mga bahay nga ng survivors, hindi pa rin naitatayo.
Tsk…tsk…tsk… Kaya si Yolanda na binura na ang pangalan sa talaan ng mga susunod na bagyo, pagamit na lang siya. Hak, hak, hak!
The post SI YOLANDA ANG MAY SALA appeared first on Remate.