SA halos araw-araw na dumaraan, holdapan dito, patayan doon at kapag minamalas pa, hindi basta-bastang krimen ang bumubungad sa atin.
Bakit nangyayari ang ganito? Maraming dahilan, ngunit ang liderato ng PNP, kakulangan sa bilang ng pulis ang, anila, dahilan kaya namamayani ang krimen sa bansa.
Sila’y may puntos kaya marahil nag-anunsyo ang Camp Crame ng recruitment sa mga nais maging miyembro ng pambansang kapulisan. Kung ‘di ako nagkakamali, aabot ng halos 60,000 ang kailangang police recruit para mapunan ang sinasabing kakulangan sa punan sa PNP.
Mantakin mo, trabaho na ang inaalok, pero malamig ang pagsalubong ng mga batang Juan sa paanyayang ito ni Dir. Gen. Alan Purisima. Napakaliit na porsyento raw ang tumutugon na nais maging pulis, lalo na sa Metro Manila na kung tutuusin ay kumpol ang nagaganap na krimen.
Dahil iilan ang nag-aapply, kinokonsidera na rin ng PNP leadership ang mga below five-feet four ang taas na applicants, ayon sa iniulat sa atin.
Malaking problema ito dahil, ayon nga sa PNP, ang pagkakaroon ng karagdagang bilang ng pulis ang sagot sa namamayagpag na krimen.
Hindi lumiliit ang populasyon, bagkus mabilis itong lumolobo sa bawat araw na dumaraan, ayon sa ating nakausap na Crame official.
Ako nga, eh, nagtataka rin kung bakit kakaunti ang gustong maging pulis. Bakit nga ba? Ito ba’y dahil wala nang tiwala ang taumbayan sa PNP? Problema ‘yan.
GEN. DEONA MAGALING DAW?
NAG-REACT ang isang kakilalang opisyal na tumawag matapos mabasa ang nakaraang kuwento natin tungkol kay R-5 director C/supt. Victor P. Deona.
Aniya, magaling daw na opisyal si Gen. Deona at sa hanay ng mga heneral sa PNP, isa ito umano sa pinagkakatiwalaan ni Dir. Gen. Alan Purisima.
Iyon ang kanyang introduction kay Gen. Deona, pero iba naman ang sinasabi ng ating Camp Crame insider sa nangyayari sa pamunuan ng heneral.
‘Di natin kinukuwestyon ang pahayag ng tumawag na opisyal, pero kung talagang magaling nga si Gen. Deona, bakit daw nagkalat ang sugal sa kanyang AOR.
Kung totoong nagtratabaho si Gen. Deona, eh, ‘di sana’y walang operasyon ng lotteng ng sangkatutak na lords diyan sa kanyang lugar, lalo na sa Masbate. ‘Yun lang!
The post POLICE SHORTAGE appeared first on Remate.