Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BANGUNGOT SA BAYAN NI JUAN

$
0
0

pakurot2MASARAP matulog ng mahimbing ngayong panahon dahil unti-unting lumalamig ang temperatura sapagkat palipas na ang tag-araw at papasok na ang tag-ulan kaya nga medyo kalmado na ang isip ng mga mamamayan.

Pero bakit bigla na lang nagigising sa pagkakahimbing dahil sa mga problemang kinakaharap sa pang-araw-araw na pamumuhay sina Juan at Juana dela Cruz?

Paano nga, sumusundot-sundot ang kanilang kamalayan hinggil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na nagtutulak naman sa pagtaas ng presyo bilihin, serbisyo tulad ng kuryente, tubig at edukasyon.

Malaki ang pakialam ng mga mamamayan sa nangyayari sa kanyang bayang sinilangan.

Pero wala namang ginagawang hakbang upang pakilusin ang mga namumuno sa bayan na gawan ng paraang malutas ang problema ng sambayanan.

Kampante na ba tayong palagi na lang dinidiktahan at tanggap na lang nang tanggap sa sinasabing pag-unlad ng pamahalaan?

Wala namang maipakitang pruweba ang gobyerno na umasenso ang Pilipinas.

Ang tanging lumalago ay ang bulsa ng mga nanunugkulan sa gobyerno na walang inasikaso kundi ang pangungurakot.

Ano nga ba ang dapat gawin ng mga mamamayan upang matigil ang bangungot na pumuputol sa masarap na pagtulog?

Kailangang kumilos. Pero paano?

Simulan sa pagmumulat sa mga anak sa pagmamahal sa bayan. Unahin ang kapakanan ng nakararami at hindi ng sarili.

Ituro rin na masama ang pagnanakaw tulad ng ginagawa ng mga tuta ng gobyerno at higit sa lahat, pakinggan muna ang katwiran bago husgahan.

Ngayon kasi, basta kakampi ng administrasyong Aquino at miyembro ng Liberal Party, tiyak na ligtas sa anomang akusasyon ng mga saksi sa anomalyang dinidinig tulad ng “pork barrel scam.”

Doon pa lang, nakikitang walang pagmamahal sa bayan ang namumuno kahit pa ipinipilit niya ang “Daang Matuwid” sapagkat hinahayaan niyang malugmok sa dusa ang bayan, kasama ang mamamayan.

Makikita rin na kinakalinga ng namumuno ang magnanakaw sapagkat may mga akusasyon ay hindi niya pinapansin at sa halip ay idiniriin ang kalaban.

Kaya nga isang araw, hindi kataka-takang matigok ang Pilipinas dahil sa pagkakabaon sa utang at kahirapan.

o0o

SINO itong konsehal ng Maynila na sinasabing sangkot sa operasyon ng mga iligal sa kanyang nasasakupan?

Naman! Dapat ay maging huwaran ito ng kabutihan at hindi ng kasamaan.

Bakit kailangang masangkot ang kanyang pangalan sa hindi magandang gawain?

Ang konsehal daw na ito, ayon sa kanyang kapwa konsehal, ay madalas malunod sa isang basong tubig. At kahit daw halagang P2 libong piso ay pinapatulan magkapera lang.

o0o

KAHANGA-HANGA ang husay sa pakikipag-usap itong petite na konsehala ng ika-4 na distrito ng Maynila na si Science Reyes.

Hindi niya inilalagay sa kanyang ulo ang kanyang katungkulan at sa halip ay bumababa siya ng antas upang makaangkop sa kanyang kausap na residente ng kanyang nasasakupan.

Batid din niya ang limitasyon ng kanyang kapangyarihan kung kaya’t sinasabi niya na kailangan niya ang tulong at payo ng nakatataas sa kanya.

Kaya naman, sa halip na makipagmatigasan sa kausap, kinukuha nito ang loob sa pamamagitan ng magandang ngiti at paliwanag.

Bukod pa sa handa talaga siyang tumulong maging iyon man ay pinansyal.

Hindi kataka-takang mahal siya at tinangkilik ng kanyang mga botante.

The post BANGUNGOT SA BAYAN NI JUAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>