PINANGUNAHAN ng Office of the Presidential Adviser for Environmental Protection (OPAEP) ang mga aktibidad sa pamamagitan ng pakikipagkaisa sa Laguna Lake Developmemt Authority (LLDA), ang Council of Asian Liberals and Democrats (CALD), mga lokal na pamahalaan sa Timog Leyte, Kahupian Upland Farmers Association (KUFA), at ang faith-based Operation Compassion.
Upang bigyang-tanda ang pagsisimula ng nakaagapay na pagsusumikap sa pangangasiwa, isang symposium ang naganap, nakapagbigay sila ng pagkakataon sa mga mag-aaral gayundin sa akademya, nasyonal at lokal na pamahalaan, media at civil society, at sa iba pang stakeholders nang sa gayon ay mabigyang-pansin ang kasalukuyang sitwasyon sa Leyte para mailahad ang maaari at epektibong kaganapan at bigyang-pansin ang mga pagsubok na nakapagpabagsak sa Leyte matapos ang mapaminsalang bagyong Yolanda.
Layunin ng symposium o ng pagpupulong, ay upang palakasin ang mga plano at programa sa ikapagpapatuloy sa mga programang pangkaunlaran para sa mga pamayanan sa probinsyang isla na sakop ng mga climate change-resilient.
Sa ikalawang araw ng pagdiriwang ay nagkaroon ng iba’t ibang uri ng aktibidad, tulad ng hiking, cycling at tree planting upang sumisimbolo sa pagkakaroon ng pag-asa para sa mga mamamayan ng Visayas sa paanan ng Mount Naculod, isang protected area and biodiversity sphere sa mga probinsya ng Leyte at Timog Leyte.
-oOo-
MANILA WATER, KINILALA BILANG GLOBAL GROWTH COMPANY
Tumanggap ng pagkilala si President at CEO Gerardo Ablaza, Jr., ng Manila Water mula kay David Aikman, Managing Director ng World Economic Forum (WEF), bilang isa sa dalawampung (20) Global Growth Company award sa Silangang Asya.
Ang panauhing pandangal ng WEF ay sina: World Economic Forum Founder at Executive Chairman Klaus Scwab; Pangulo ng Pilipinas Benigno Aquino III; Pangulo ng Indonesia Susilo Bambang Yudhoyono; Prime Minister ng Vietnam Nguyen Tan Dung; at Bise-Presidente ng Myanmar Nyan Tun.
The post LLDA NAGTATANIM NG PAG-ASA SA MAMAMAYAN NG LEYTE appeared first on Remate.
