DAHIL sa matinding ulan at baha, nagdeklara ang lalawigan ng Maguindanao ng state of calamity.
Palatandaan ito, parekoy, ng pagdating ng mga kalamidad kahit saan dahil dumating na nga ang tag-ulan.
Kahit saan, naririyan lagi ang posibilidad ng kalamidad.
Ang mga nakalamidad nang lugar, maaaring lalong tatamaan gaya ng mga dinaanan ng mga bagyong Yolanda, Ondoy at iba pang malalakas at maulan na bagyo sa Mindanao.
Hindi rin ligtas ang mga tinamaan ng mga nakaraang habagat.
Ang isang malaking tanong: gaano ba tayo kahanda laban sa mga kalamidad?
Mayroon na ba tayong matatakbuhang ligtas na lugar?
Mayroon na ba tayong nakahandang pantustos sa mga evacuation center?
Ang totoo, parekoy, napakahirap sagutin ang mga katanungang ito, lalo na sa parte ng mga mamamayan.
Kaya naman, ang tanong ay higit na dapat ipukol sa pamahalaan.
Gaano na ba kahanda ang pamahalaan na umayuda sa mga nakakalamidad, lalo na sa tamang panahon?
Nagtatanong tayo, parekoy, dahil malimit na absent at mabagal pa sa pagong ang kilos ng mga hijo de putang nasa pamahalaan sa kasagsagan ng mga kalamidad. Lalo na ang mga nasa matataas na posisyon sa pamahalaan.
Madalas pa nga na makitang hindi man lang magtanggal ng sapatos ang mga king-nang ito at kung pupunta sa mga lugar ng kalamidad ay parang nangangampanya lang ang mga ito.
Pakaway-kaway, pakamay-kamay at kung ano-ano pang kaek-ekan.
Oo nga pala, nangangamoy na ang halalang 2016 at mapapadalas na makakita tayo ng ganitong eksena sa lugar ng kalamidad.
Mismong si PNoy nga, eh, nangangampanya na sa pagsasabing kung maghahalal tayo ng mga lider sa 2016, huwag daw nating iboto ang mga walang nagagawa kundi ang kumanta at umarte lang ayon sa nakasulat sa istorya ng pelikula.
At ang iboboto raw natin ay ang mga ayaw umapak sa baha at pakaway-kaway lang saka maninisi sa mga mamamayan na kasalanan nila kung bakit sila namamatay at naghihirap?
At kung humiling ka ng tulong, eh, “Bahala kayo sa buhay ninyo!” ang isasagot!
King-ina ng mga ito.
Gapusin kaya natin lahat ng mga hijo de putang namumulitika ngayon pa lang at saka sila ilubog kahit man lang sa kalamidad sa Maguindanao ngayon.
The post MGA KALAMIDAD NABUHAY MULI appeared first on Remate.
