Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SANA’Y ‘DI NINGAS-KUGON ANG GAWA NG BAGONG QCPD CHIEF

$
0
0

NOONG italagang District Director ng Quezon City Police District (QCPD)  itong si Sr. Supt. Richard Albano, ay iisa lang ang sinasabi ng mga pulis , ayaw nila rito dahil hindi nila alam ang ugali.

Unti-unti ay nakuha ni Col. Albano ang loob ng kanyang mga pulis dahil na rin sa magandang ipinakita nito.

Wala pang isang buwan  magmula nang italagang DD ng QCPD itong si Albano noong nakalipas na Enero 12 ay gumanda at luminis ang Kampo Karingal.

Maging ang mga butas na dinaraanan ng mga nakatatakas na suspek at ang mga butas ng  pader ay pinatakpan pa nito kung  kaya sa ngayon ay masasabing secure na secure ang mga pulis sa loob ng Kampo Karingal.

Kung papasok ka ngayon ng Kampo Karingal ay makikita mo itong si Col. Albano na personal na pinamamahalaan ang pagpapa ganda ng QCPD Headquarters at nakikita ito ng mga pulis kung kaya naman ang dating mga pulis na ayaw sa kanya ngayon ay gusto na siya.

Sana lang ay makita rin  nitong si Col. Albano kung paanong  “magkalat ng lagim”“ ang kanyang mga pulis sa loob at labas ng Kampo Karingal  para  sa gayun ay  malinis din nito o maitapon sa  basurahan ang mga bugok na pulis at sana ang ginagawang  maganda ngayon ni Col. Albano ay hindi ningas-kugon lang.

Wala ring inalis o pinalitang hepe  itong  bagong QCPD Director dahil ayon sa kanya paano mapagaganda o makapagtatrabaho nang maayos ang isang  hepe kung parati nitong iisipin na papalitan siya dahil bago ang namumuno.

May punto rito si Col. Albano, kalakaran na kasi sa Philippine National Police o sa alinmang ahensiya ng pamahalaan na kapag bago ang namuno ay kailangan ding bago ang mga tauhan nito lalo na sa mga maseselang unit o departamento.

Sinasabing marami ng umupong Director ang QCPD at ta-nging kay Sr. Supt. Albano lang daw nila nakita ang pagmamalasakit na kanilang hinahanap sa isang hepe.

Wala pa mang isang buwan itong si Col. Albano ay marami ng  nalutas na kaso ang QCPD, at ito ay patunay lang na talagang nag-tatrabaho  ang mga pulis dito mula sa itaas hanggang sa ibaba.

Mabuhay kayo, Col. Albano,  magaling kayong hepe. Sana ay huwag n’yong pabayaan ang mga  “bitbit” mong tao na maghari-harian diyan sa QCPD dahil ito ang makasisira sa inyong magandang liderato.

Isa sa mga inaangal at inirereklamo ng  mga lehitimong pulis QC ay ang iyong private secretary at pinagkakatiwalaang si Major Chicharon na isa na ring sibilyan.

oOo

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa  09155683000  at  09087230036  o kaya ay mag-email lang sa … lpr_2012@yahoo.com …



Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>