SANGKATERBA ang proyekto sa Lungsod ng Caloocan mula nang manungkulan si Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan sa kabila ng usap-usapan sa tindahan na kapos sa pondo ang lungsod.
Pero [sana naman] ay pinag-iisipan muna ang lahat ng proyekto bago ito ipatupad tulad ng pag-semento ng kalsada, pagpatayo ng bagong gusali ng paaralan, etse tera, etse tera.
May sumbong sa atin na mayroong naglagay ng sankaterbang humps sa kahabaan ng kalsada roon sa Franville Subdivision – isang kalsada na ginagamit na lusutan mula Susano Road sa Vicas Area palabas ng Zabarte Road.
Hindi matukoy kung kaninong proyekto ‘yun dahil walang nakalagay na pangalan kung kaninong proyekto ‘yun. Hindi rin naman kulay orange kaya mukhang hindi raw kay mayor ang proyekto.
Palagay ko naman ay nadaraan dito si mayor tulad ng ibang motorista kaya tiyak na alam nitong malaking tulong ang kalsada na ito para makaiwas sa masikip na daloy ng trapiko lalo na sa Susano Road patungong Quezon City.
Tila naubusan ng pagkakakitaan ang taong nasa likod ng paglalagay ng humps na ipinasemento ng lungsod dahil ito ay isa nang tinatawag na ‘City Road’ pero tinambakan ng humps na abala sa mga motorista.
Ibig-sabihin, hindi na pribado ang kalsada na iyan na nasa loob ng Franville Subdivision.
Ibig-sabihin, pinayagan ng batas na gastusan ang kalsada na iyan dahil pag-aari na iyan ng lungsod.
Ibig-sabihin, pwede nang daanan iyan bilang isang pampublikong kalsada at marami ang gumagamit bilang alternatibong kalsada papasok at papalabas ng lungsod. Tapos… tinambakan ng humps!
Mas maganda at makatutulong pa raw sana sa motorista at estudyante kung ang butas-butas na kalsada sa tapat ng Caloocan City Business High School sa Urduja Village ang ginawa kaysa gumastos sa humps.
Duda ko ay hindi proyekto ni meyor ang naturang humps pero dahil [nga] ‘City Road’ na ang nasabing kalsada kaya may kapangyarihan si Mayor Oca na ipatanggal ang istorbong humps.
Hindi po yan eksklusibong lugar o exclusive subdivision kaya wala dapat kahit isang humps diyan! Pu…yta!
***
Para sa komento o suhestyon: 09237397381
The post MAYOR OCA MALAPITAN, YOUR ATTENTION PLEASE! appeared first on Remate.
