NOONG Lunes, abala ang mga taga-Manila City Hall hindi lang dahil bisperas ng “Araw ng Maynila” kung saan maraming aktibidad si Manila Mayor Joseph Estrada kundi dahil sa araw ng paglalabas ng warrant of arrest kay Sen. Jinggoy Estrada na anak ng alkalde.
Abala sila kung paano magbibigay ng suporta sa pamilya Estrada na noong araw at oras na iyon ay pawang nagdadalamhati dahil nga sa sitwasyon ng senador. Sa screen ng mga telebisyon, makikitang laging nakaalalay kay Mayor Estrada si Secretary to the Mayor Atty. Edward Serapio. Kaya nga hanggang noong gabi ay kasa-kasama ito sa Manila Hotel para sa awarding ng TOP 10 Manilans.
Wow, mula Greenhills hanggang Camp Crame at Manila Hotel ay nakabuntot kay Mayor Erap itong si Serapio.
Sinabi ni Serapio na marami na silang nagawa at pinagpaguran para sa lungsod. Totoo, Totoong maraming transaksyon ang dumaraan sa kamay ng nasabing abogado dahil marami siyang komiteng hawak, lalo na ang collecting at generating department at offices.
Ikaw na ang maging chairman ng finance committee at bids and awards committee. Kaya nga pati ang koleksyon sa mga bangketa sa Divisoria, Avenida at Quiapo ay gusto niyang kakampi ang may hawak.
Pero teka, saan ba siya noong halalang 2010? Nasa partido ba siya ni Estrada? Hindi kaya may kinalaman ang pagiging senior partner niya sa Marcos, Ochoa, Serapio Law Office? Hindi kaya nasa partido siya ni Pang. Benigno Aquino III noong panahong iyon? Hindi kaya dala-dala siya ni Executive Secretary Paquito Ochoa sa Liberal Party?
Noong 2013 local elections, lumutang o nagpakahirap ba si Serapio sa kampanya ni Erap?
Parang ang dala niya noon ay Liberal Party kung saan ang kandidato ay si dating Manila Mayor Alfredo Lim. Sa madaling salita, kasama lang siya ni Mayor Erap sa ginhawa pero noong kampanya kung saan iba ang nagpakahirap ay wala siya sa tabi ng alkalde. Baka naman espiya lang siya ng Palasyo para matukoy ang mga galaw ng mga Estrada? Puwede! At puwede ring nagbibigay siya ng mga payo sa alkalde na sa Malacañang din galing upang magkaasunto ulit si Mayor Erap para masira sa tao.
Makikita naman kasi na muling bumabango ang pangalan ng alkalde dahil sa mga ginagawa nitong pagbabago para sa pag-unlad at pagganda ng kanyang nasasakupan.
Syempre, ayaw ng mga kaalyado ni PNoy na makabangon ang mga Estrada dahil banta sila sa sa darating na 2016.
Hindi naman tayo ang magsasabi kung kaaway nga o espiya ng kalaban ni Mayor Erap si Atty Serapio. Mismong dapat ay si Mayor ang makaramdam at makadiskubre na marami nang niyayapakan itong si Serapio makuha lang ang loob ng dating Pangulo.
Payo lang kay Mayor Erap na ang mga taong hindi mo madalas makita sa iyong opisina, hindi katulad ng mga nagpapanggap na nakasuporta sa iyo sa lahat ng oras, ang mga totoong nagmamalasakit at nagmamahal sa iyo.
Ang mga taong kasama mo sa hirap at hindi sa iyong pagsikat.
Nais iparating ng ilang vendors ng Divisoria kay Mayor Erap ang pangingikil sa kanila ng isang Jimmy Soriano na pulis na nakatalaga sa Manila Police District pero isang 15-30 cop.
Umaga at hapon umano kung mangikil si Soriano.
The post KAKAMPI O ESPIYA? appeared first on Remate.
