Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

EMERGENCY NAMAN SA IRAQ; PANG. NOYNOY, ANYARE?

$
0
0

_benny antipordaANO na ang nangyayari sa Tuwid na Daan? Tila walang utak at kung mayroon man ay puro pulitika yata ang nasa utak nito?

Tingnan ninyo, alam na alam na nito na delikado ang Iraq, hindi gumawa ng paraan noon pa na i-evacuate ang nasa 900 na OFWs doon.

Hindi delikado, malayo sa mga lugar ng kaguluhan ang mga OFW, sabi nito noon at nagdeklara lang ito ng Alert Level 3 o para sa boluntaryong paglisan ng mga ito.

Ngayon, nagkukumahog na ito at ginawa nang Alert Level 4 o puwersahang paglilikas. May maililigtas pa kayang buhay na OFW ang gobyerno sa napakabangis na giyera sibil sa Iraq?

MGA BUWISIT

Lumalabas na hindi gaanong mahalaga ang mga OFW para sa Tuwid na Daan na ito. Parang sinasabi nito: Eh, ano kung nagpapadala o may remittance ang mga ito na nasa $22 bilyon taon-taon na halos isang trilyong piso na katumbas ng halos kalahati ng taunang pambansang badyet ng mahal kong Pinas?

Paano nga naman, kitang-kita ang palaging sobrang mabagal na pag-aksyon nito sa mga OFW na nasa gitna ng mga kagipitan.

Noong nagkandaipit-ipit ang mga OFW sa mga mababangis na giyera sa Jordan at Libya, bunga iyon ng mali at mabagal na patakarang pagliligtas sa mga OFW. Ngayon, andiyan na naman ang pagkaipit ng mga OFW sa Iraq at ngayon lang umaaksyon ang gobyerno.

Magsilayasan na nga lang kayo riyan, mga inutil, kung wala man lang kayong pagmamalasakit sa mga OFW na ginagawa pa ninyong salbabida sa tuwing lulubog ang ekonomiya ng Pinas! Mga buwisit!

PURO EMERGENCY

Anak ng tokwa, puro emergency talaga ang nagaganap. Halimbawa ang sa cocolisap na pumapatay ng milyon-milyong puno ng niyog sa Luzon, Visayas at Mindanao ngayon.

Kauupo pa lang ni PNoy sa Malakanyang, eh, nagsimula na ang problema sa cocolisap. Pero makaraan ang apat na taon, ngayon pa lang inaaksyonan ng Tuwid na Daan ang cocolisap at dahil sa emergency na ang kalagayan, aabot pala sa P600 milyong salaping bayan o buwis ang gagastusin para makontrol ito.

Pero may mas maling problema, mga Bro. Gutom at hirap na ang mga magniniyog na natamaan at magugutom at maghihirap pa sila sa susunod na 6-9 na taon na pagbubunga ng mga bagong tanim na niyog.

KASONG YOLANDA

Emergency pa rin na maituring ang kalagayan ng mga binagyo ni Yolanda at marami rin sa mga biktima ng lindol sa Bohol, Cebu at Siquijor.

Dumating na ang tag-ulan, naririyan pa rin sa mga tent city o evacuation center ang libo-libong pamilya at nangangambang dadaluhungin sila ng panibagong mga bagyo, baha, sakit, kamatayan at iba pang mga kamalasan.

Nagtatagal ang pag-aasikaso, mga bro, tanggapin man ng Tuwid na Daan o hindi, sa mga nakalamidad dahil sa pulitika. Gustong palabasin ng mga nasa Tuwid na Daan na sila lang ang makikilalang may nagawa sa darating na halalang 2016 at iniitsapwera ang mga kalaban nilang politiko sa gawaing reconstruction o pagbabangon sa mga nakalamidad.

Hayan, nagkandaloko-loko maging ang rehabilitation projects, pati ang mga pondo para rito.

SA ZAMBO CITY

Pati ang kalagayan ng mga biktima ng giyera sa Zamboanga City ay wala paring gaanong pagbabago.

Ang tagal-tagal na nilang nawalan ng tirahan dahil sa pinagsusunog at pinaggigiba ng mga rebelde at pwersa ng pamahalaan ang bahay ng mga ito. Pero hanggang ngayon, nakararami pa rin sa kanila ang walang matirhan.

Hindi kumikilos ang Tuwid na Daan nang mabilis para magkaroon na sana ng bubong ang mga biktima.

WALANG HANAPBUHAY

Kung isasama sa mga problema sa kalamidad ang problema sa hanapbuhay, nariyan din ang napakakupad na aksyon ng pamahalaan. Mabuti na lang at may mga pribadong tao at kompanya at dayuhan na pumupuno sa mga pagkukulang nito.

Kung hindi, hanggang ngayon ay puro gutom at istambay pa rin ang mga nakaaawang biktima ng mga kalamidad.

Sinasabi lagi ng gobyernong Tuwid na Daan na marami ang pondo, pero nasaan?

PONDO SA PPP

Kung titingnan ninyo ang mga ipinagmamalaki ng Tuwid na Daan na pinaggagamitan nang mabilis na pondong bayan, nasa mga Public-Private Partnership. ‘Yun bang === malalaking kontrata na pinag-aawayan ng mga malalaking kompanya at korap.

Hayan nga ang kalahating bilyong kontrata sa MRT maintenance na ikinasibak ng bosing ng MRT dahil sa korapsyon. Pero wala yatang kaso na isinampa para sa mga hinayupak na ito.

EMERGENCY SA KRIMEN

Heto pa ang isang emergency…ang mga sunod-sunod na pagpaslang gaya ng isang negosyante sa Cebu-Davao City, mayor sa Pangasinan, kampeon sa sports sa Kyusi at iba pa. Hindi pa kasali rito ang mga pagpatay sa mediamen na labis nating ikinalulungkot dahil inutil sa pagsolb dito ang Tuwid na Daan.

Kahapon lang ng umaga, may hinoldap na may kasamang pangho-hostage sa isang bus sa EDSA.

Araw-araw namang nagaganap ang akyat-bahay, holdap, salisi, kotong, riding-in-tandem na pagpatay at panghoholdap.

At tulad ng dati, nagkaroon ng emergency meeting para harapin ang grabeng krimen. Nagpalusot pa ang mga awtoridad sa pagsasabing, nag-uulat na raw kasi ng matino ang mga pulis at hindi na nagdodoktor ng kanilang mga rekord.

KAILAN TITINO?

Kailan titino ang Tuwid na Daan para titino rin ang kalagayan ng ating bayan?

Kailan magiging maagap ang pamahalaang ito sa mga problemang kinakaharap ng sambayanan?

Sa pulitika lang maagap ang mga hindot na ‘yan!

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post EMERGENCY NAMAN SA IRAQ; PANG. NOYNOY, ANYARE? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>