Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KORAPSYON SA QC HALL

$
0
0

WALANG tigil ang pag-aray ng mga kontraktor sa Quezon City dahil sa sobrang laki ng cut na hinihingi ng mga opisyal sa city hall.

Hindi na kaya ng mga kontraktor ang 12 percent na kick-back ng mga matataas na opisyal dyan sa city hall dahil wala nang natitira para sa kanilang negosyo.

Ano ba ang gustong mangyari ng mga ‘greedy official’ d’yan sa city hall? Bawasan ang kalidad ng paggawa ng proyekto?

‘Di naman yata puwede ‘yan dahil malalagay sa alanganin ang kapakanan ng taumbayan. Kaligtasan ng mga mamamayan ang nakasalalay rito, mga pare ko.

Dati naman daw ay nasa 2% percent ang hiling ng city hall pero bakit naman kasi napakatakaw ng mga ito at itinaas ang singilan sa 12%?

Nagsimula lamang daw ito nang umupo si Mayor Herbert Bautista bilang mayor at si Vic Endriga bilang city administrator.

Anong say kaya ni Mayor Bistek sa ulat na ito!

GANADO ANG BOC

Sa pangunguna  ni Comm. Ruffy Biazon, kinasuhan ng BOC sa DOJ  sina Ronaldo Cruz at Merrian Misula, importer at broker, ng hot fabrics shipment na nasabat kamakailan sa pier.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Section 3601, in relation to Section 101 and 2530 ng Tariffs and Cus-toms Code of the Philippines (TCCP) kaugnay ng tangkang pagpupuslit ng P315 million halaga ng counterfeit signature fabrics na Mickey Mouse, Chanel at Louis Vuitton mula sa China.

Tila, ganado ang  BOC sa paghuli at pagsasampa ng kaso laban sa mga ismagler kasi’y sinaluduhan sila kamakailan ni Pangulong Aquino sa kanilang magagandang achievement.

Halatang inspirado rin ang BOC lalo’t kamakailan ay tatlong ismagler ang nahatulan ng Manila RTC at ng Court of Tax Appeals.

Ito ang nagbibigay, marahil,  kay Biazon na lalo pang pag-ibayuhin ang kanyang kampanya na lansagin ang smuggling.

May bilin din si Biazon sa Run After The Smugglers na bilisan ang pagsasampa ng kaso sa iba pang importers at brokers na nahuling lumabas sa TCCP.

Pakiwari natin, eh, habang si Biazon ang nasa BOC, sila’y ‘di makalulusot.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>