SI Lolong, ang pinakamalaking buwayang nahuli sa buong mundo ay namatay na noong Linggo ng gabi!
Pero ang kanyang mga kalahi ay buhay pa. Buhay na bu-hay, parekoy! Katunayan kasalukuyan pa silang umeepal at nambobola ng mga botante para sa panibago nilang maskara.
Sina “Lolong” ng munisipyo, lungsod at distrito ay hindi kasinglaki ng sakmal nina “Lolong” ng probinsya. Pero siyempre, ang may “unlimited” na sakmal ay sina “Lolong” ng nasyonal!
Ang iba nga sa kanila ay quotang-quota na noon pang kapanahunan nila pero kapalmuks ang mga hinayupak, muli na namang pumorma!
Ngayong araw pala, parekoy, ang umpisa ng kampanya ng mga kandidatong senador.
At kaya nauna ang kanilang pang-eepal ay dahil sila ang mga pang-nasyonal na onorabol.
Kaya aasahan na natin na simula sa araw na ito ay maririnig na naman natin ang mga pangako na kesyo sila ang tagapagtanggol ng ating mga karapatan at tagapaghatid ng ating mga pangangailangan.
Opkurs, nakahihiya naman kung aaminin nila na sila ang taga-pagsakmal ng kaban!
Paalala, parekoy, sinoman sa kanila ang pinakabolero at maepal ang ‘wag nating iboto!
Dahil ‘yan ang pinakamalaking
“Lolong” ng ating bansa!
-o0o-
KAMAKAILAN ay ipinamigay na ng Department of Agrarian Reform sa may 5,000 farmer ng Bondoc Peninsula ang Certificate of Land Ownership Awards o CLOA.
Bilang kasagutan sa kanilang mga pangarap na maging may-ari ng lupain na napakatagal na panahon na nilang sinasaka, natural, parekoy, na bongga ang kanilang kasiyahan.
Na sinomang opisyal ng pamahalaan ang kanilang makita sa nasabing okasyon ay taos-puso ang pasasalamat ng nasabing mga magsasaka.
Kaya abot-langit ang ngitngit ni Quezon Gov. David Suarez dahil siya at ang kanyang ama na si Rep. Danilo Suarez ay hindi inimbitahan ng DAR.
In-short, masama, parekoy, ang loob dahil hindi nakaepal!
Ang gusto ni Gov Suarez, silang mag-ama ay dapat maging “stars of all season.”
Meaning, epal noon, epal ngayon at epal forever! Pwe!
Ano ba yan, gob, kayo na ang epal sa panahon ni GMA, gusto ninyo hanggang ngayon ay kayo pa rin ang epal?
Tama na! Pagbigyan naman ninyo ang mga bagong Lolong para sila naman ang mabundat! Tangna talagaaaaaaaa!
