Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GIYERA NA ULIT SA PULITIKA: PANDARAYA AT PAMAMASLANG

$
0
0

GIYERA na ulit sa pulitika sa salita at gawa.

Bukas na ang simula ng kampanya ng mga politikong nasyonal gaya ng mga senador at partylist.

Sa Marso 29 naman ang kampanyahan ng mga lokal na politiko mula sa gobernador, kongresman, bokal, mayor hanggang sa konsehal.

Pero dahil kailangan ng mga nasyonal at lokal ang isa’t isa, sino ang may sabing hiwalay ang kanilang pangangampanya?

Eh, inutil naman ang Commission on Elections sa pag-amoy ng electioneering, kahit pa sa hanay ng mga lokal na politiko.

KAMPANYA SA SALITA

Dalawang anyo ang pinagsasabay ng mga politiko na style sa pangangampanya.

Isa ang pamumuri sa sarili at isa ang pambabato ng mabahong putik sa kalaban.

Habang pinupuri ng mga politko ang kanilang mga sarili, panay naman ang kanilang mga panlalait at pagpinta sa kanilang mga kalaban na mga kampon ng demonyo o inutil o walang utang na loob at kung ano-ano pa.

Kahit ang mga matagal nang patay na isyu ay binubuhay, kahit pa ang mga dead-on-arrival.

KAMPANYA SA GAWA

Ito ang pinakadelikado.

Napakaraming uri nito, mga Bro.

Andiyan ang pagsasampa ng mga kaso sa isa’t isa para matali sa kaso sa hukuman ang isa’t isa.

Maaari ring maisyuhan ng warrant of arrest ang dehadong kalaban kung may “probable cause” na masisilip ng tutang huwes sa kaso nito na isinubo ng kanyang magaling sa maniobra na kalaban.

Kung nakaupo siya, maaari siyang mapalayas sa puwesto, ala-Gwen Garcia style.

Ito’y para hindi niya magamit ang mga salapi, tao, makinarya at iba pang puwersa ng munisipyo o kapitolyo na hawak niya.

MGA KASONG DISQUALIFICATION

Kabilang sa gawa ang maniobra sa Comelec para sa diskwalipikasyon.

Alam ba ninyong puno ang kamay ng Comelec ng mga kasong para rito?

Pag ma-disqualify nga naman ang iyong kalaban, papetik-petik ka na lang sa pangangampanya.

Ang kalaban mo naman, eh, parang nabangga sa pader na wasak na wasak ang pangarap na makakopo ng posisyon sa pamahalaan.

Babay sa iniisip ng mga disqualified na politiko na yayaman sila sa puwesto.

O makabawi man lang sa kanilang mga gastos.

VOTE BUYING

Kung hindi makuha sa kaso ang kalaban, sa vote buying tumatakbo ang isang politiko.

Sa mga lalawigan, malaki nang halaga ang P300-P500.

Pataasan ang presyo rito at patalasan ng amoy kung sino ang nagbibigay ng ganito’t ganu’ng halaga.

Ang bayaran ay mula sa loob ng mga tahanan hanggang sa mga kalsada.

‘Yun bang === kinakapalan ng mga politiko ang kanilang mukha sa pagbili ng boto ng lahat ng mga miyembro ng pamilya at gawin na rin ang lahat ng ito na maging “watcher” sa araw ng halalan.

Diyan nadedehado ang walang salapi na kandidato.

Umiiyak na lang ang dehado lalo’t hindi naman basta naniniwala ang Comelec sa ganitong style.

Paano mo ngayon lalabanan ang may perang politiko sa kaso?

PATAYAN

Hindi natin idinadalangin pero hindi si Maconacon, Isabela Mayor Erlinda Domingo ang una’t huling papatayin ngayong halalan.

May ilan na ngang pinatahimik bago pa pinaslang si Mayor Domingo.

Magugulantang na lang tayo kapag may nakatumba na ulit na politiko at ilalabas sa diaryo kinabukasan.

Magkakaroon ng patayan dahil mahirap na yata ngayon ang mandaya.

Hindi na pupuwedeng magtiwala sa vote buying, flying voter, ballot box snatching at iba pang taktika ng siguradong panalo.

Ang maaaring asahan na lang ay ang paggamit ng mga armadong tauhan, mapa-goons, mapa-pulis, mapa-sundalo, mapa-CAFGU o mapa-rebel returnees para paslangin ang mga kalaban ng isang politiko.

Kahit ang panakip-butas na kandidato sa mapapatay ay mahihirapang manalo sa takot na susunod siyang ihahatid sa memorial park ng sementeryo.

PNP AT AFP BILANG GOONS

Pinakamatinding kalaban sa pulitika ang may hawak sa mga pulis at sundalo bilang goons.

Sinasabi natin ito dahil maraming lugar ang may ganitong karanasan.

At tiyak na mauulit ito sa halalang ito.

Ang karanasan ng iba, eh, may darating na isang trak ng sundalo o pulis sa kanilang bahay.

Kahit pangungumusta lang ang mensaheng hatid ng makapangyarihang politiko sa pamamagitan ng mga sundalo at pulis, sapat na ang lahat para huminto sa pangangampanya ang politikong walang impluwensiya sa mga armadong puwersa ng pamahalaan na nagsisilbing goons.

PRIVATE ARMY

Kung hindi man gagamit ang isang warlord ng pulis at sundalo sa pakikipag-wrestling sa kanyang kalaban, ang private army ang ginagamit.

Ang mga ito ang gumagamit ng baril na loose firearms o hindi rehistrado sa gobyerno.

Kaya ‘pag ginamit ang mga ito, nahihirapan ang mga awtoridad na alamin kung sino-sino ang mga pumatay kay konsehal, mayor, bokal, gobernador at kongresman.

Nadadamay karaniwan maging ang mga inosenteng sibilyan sa marahas na pagsungkit sa poder sa pamahalaan.

Sana naman, ang giyera sa pulitika ay gawing malinis at hindi dadaanin sa mga pandaraya, pananakot at kamatayan.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>