Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAGPATAY KAY DENNIS ARANAS MASAMANG PANGITAIN

$
0
0

ANAK ng tokwa, kayo riyan sa Bureau of Jail Management and Penology.

Sinabi ninyo noong una na nagpakamatay si Dennis Aranas na mahalagang saksi sa pagpatay kay Doc Gerry Ortega.

Pinaniniwalaang pinatay si Ortega dahil sa walang puknat nitong pagsisiwalat ng nasa P500 milyong pandarambong sa Malampaya Fund.

Pero lumalabas na pinatay si Aranas ng apat na tao, base sa re-autopsy sa bangkay ni Aranas na isinagawa ng Public Attorney’s Office forensics department.

May palatandaan umanong may dalawang taong pumigil kay Aranas sa paa, isa ang pumigil sa kanyang kamay at isa ang sumakal sa kanya hanggang sa talian siya sa leeg at palabasin na binigti nito ang sarili.

Nakitaan si Aranas ng mga palatandaan na binugbog siya bago pinatay.

PNP WALANG PAKIALAM

Noong una, sinasabi ng BJMP na walang pakialam ang pulisya sa pagkamatay ni Aranas dahil isa lamang itong kaso ng suicide.

Kaya naman hindi na nila ini-report pa sa pulisya ang kaso nang maaga para sana maimbestigahan sa loob mismo ng selda. Sapat na umanong naimpormahan nila ang pamilya ng biktima at i-notify na lang ang pulisya ukol sa pangyayari.

May sarili naman umanong imbestigador ang BJMP sa anomang nagaganap sa piitan at kung ano ang kanilang nalalaman ay ipinararating sa mga kinauukulan. Kung may suspetsa na may foul play sa pagkamatay ng inmate, saka lang sila tumatawag ng pulis para mag-imbestiga.

BJMP IMBESTIGAHAN

Ngayong may kumontra sa sinasabi ng BJMP, dapat nang imbestigahan mismo ang BJMP.

Pero naniniwala tayong hindi lang dapat hanggang sa Quezon Provincial Jail sa Lucena City, Quezon ang dapat na tingnan. Baka naman may mas mataas na sangkot sa pangyayari.

Sa ibang salita, mga Bro, hindi sapat na sinibak ng pamunuan ng BJMP ang warden sa piitan. Dapat alamin ng mga awtoridad ang mga nagsagawa ng pagpaslang kay Aranas. At kung sino-sino ang mga nag-utos sa kanila na patayin si Aranas.

Tama lang na kuwestiyunin ng pulisya ang pagre-report sa kanila ng BJMP bandang alas-5:00 ng hapon samantalang sinasabing namatay si Aranas dakong alas-10:00 ng umaga.

At bakit nga ba, nilinis kaagad ng BJMP ang lugar na kinamatayan ni Aranas?

‘DI MAHALAGANG TESTIGO?

May nagsasabi na hindi mahalagang testigo si Aranas sa pagpatay kay Ortega. Galing mismo ang impormasyon sa Department of Justice. Kaya naman, sinibak umano siya bilang benepisyaryo ng Witness Protection Program.

Pero gaano ba kahalaga talaga itong si Aranas bilang testigo at pinatay siya? Baka naman may nalalaman itong mahalaga bilang lookout habang binabaril si Ortega.

Isa si Aranas sa mga nagnguso kina dating Palawan Governor Joel Reyes at kapatid nitong si Coron, Palawan Mayor Mario Reyes na utak ng pagpaslang kay Ortega.

PAALALA SA DOJ

Kung kaunti man ang halaga ni Aranas bilang testigo sa tingin ng DOJ, ngayon ay itinuturo ng kanyang kamatayan ang isang napakahalagang usapin.

Hindi ligtas ang mga testigo sa Ortega murder sa kanilang mga kinalalagyan, kabilang na itong si Marlon Recamata at itong si Rodolfo Edrad Jr. alyas Junjun Bumar.

Si Recamata ang nahuling gunman samantalang si Edrad umano ang umupa sa kanya na isagawa ang krimen habang naging lookout si Aranas.

Itong tatlo ang kabilang sa mga pangunahing testigo na nagsasabing ang magkapatid na Reyes ang may utos na patayin si Ortega.

DOJ AT BJMP DAPAT UMAKSYON

May tungkulin ang DOJ at BJMP na tiyakin ang kaligtasan mula sa mga mamamatay-tao, sakit at iba pa ang mga testigo sa mga kasong kriminal.

Sa nangyari kay Aranas, at kay Val Lecias na namatay umano sa sakit, mukhang nagpabaya ang mga ahensiyang ito.

Para sa DOJ, hindi sapat na naghuhugas ito ng kamay sa pagsasabing hindi “material witness” si Aranas.

Itong BJMP naman, eh, tila may itinatagong dapat na kalkalin ng mga kinauukulan.

Panahon ng dalawang ahensiyang ito na patunayang dapat silang pagkatiwalaan para sa kaligtasan ng mga testigo. Kung hindi, saan patutungo ang katarungan?

GOBYERNO MISMO ANG KUMILOS

Sa nakadududang kilos ng DOJ at BJMP, dapat na kumilos nang husto ang buong pamahalaan sa kasong ito.

Sana naman, lubos nang makialam ang Malakanyang sa kaso, at maging ang huwes na humahawak sa kasong ito.

Ang Malakanyang ay dapat na iutos ang makatotohanan at walang cover-up na imbestigasyon sa pagkamatay ni Aranas. Ang mabilis na pag-uusig, ang mabilis na paghaharap ng mga testigo sa witness stand ay isagawa sana ng huwes na dumirinig sa kaso.

Hindi sana abutin ng kamatayan ang lahat ng mga saksi sa krimen bago sila isalang sa witness stand para maisalang sa mga cross examination na susubok sa katotohanan ng pagsasabi ng mga witness na ang mga Reyes ang nasa likod ng pagpaslang kay Ortega.

MASAMANG PANGITAIN

Kung mawawalan ng saysay ang paghahanap natin ng katarungan ukol kay Ortega, nakatatakot na talaga ang mamuhay bilang mediaman at katuwang ng “tuwid na daan” na may layuning linisin ang pamahalaan sa mga korap, mandarambong, abusado at mamamatay-tao.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>