ALAM kaya ng marami na meron nang bagong Medical School sa Quezon City?
Ang New Era University (NEU) College of Medicine ay tumatanggap ng mga estudyante na gustong maging doktor o gusto ang medical career sa kanilang kinabukasan kahit pa hindi sila kasapi ng simbahan ng Iglesia ni Cristo.
Dagdag sa courses na available sa NEU ang mga courses sa kanilang bagong College of Medicine.
Napagtuunan ko ng pansin ito kahit hindi rin ako miyembro ng INC dahil ako naman ay taga-Quezon City.
Naisip ko, napakagaling at ang lapit na ng NEU-College of Medicine para sa mga taga-QC.
Hindi na kailangan pang pumunta ng mga taga-QC na nangangarap maging doktor sa mga malalayong lungsod gaya ng Manila at Makati para makapag-aral. Oo, considered na malayo ang mga ito dahil sa traffic.
Hindi nga ba kapag traffic, halos abutin ng dalawang oras ang biyahe papunta sa Manila at Makati mula sa QC, at kapag umuulan mas malala pa?
Sa nalalapit na centennial celebration ng pagkakatatag ng INC, napakaraming social activity ang inihahanda nila at isinagawa na papunta sa mahalagang araw ng ika-27 ng Hulyo. Mga medical mission at job fair.
Nakinabang ang maraming Pinoy sa activities na ginanap ng INC sa iba’t ibang panig ng bansa.
Pero ang pagkakatatag ng College of Medicine sa NEU ay isa sa matatawag na pinakamalalaking kontribusyon ng INC sa lungsod ng Quezon.
Nagbukas ito ng panibagong pagkakataon para mas maraming kabataan ang makatupad sa pangarap na maging doktor o nurse o kung ano man na medical practice ang gusto nila, salamat sa vision na ito ng INC.
Ang 100th year celebration ng INC sa July 27 ay ‘di lang pagkilala sa 100 taon ng pagiging isang religious institution ng INC kundi pagtanaw rin sa 100 taon ng public service ng INC at sa pagiging isang haligi na nakatulong sa paggiya sa kaunlaran ng ating bansa.
The post KUNG GUSTONG MAGING DOKTOR appeared first on Remate.