Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

UKINNANA, TAYO PA ANG MAY UTANG NA LOOB?

$
0
0

baletodoUNANG ibinasura ng Supreme Court ang Priority Development Assistance Fund. Kailan lang, isinunod ng SC ang Disbursement Acceleration Program (DAP) na masahol pa sa limatik at linta na umubos ng P170 bilyon!

Sabi nga ng mga Mahistrado, ang DAP ay iligal, binastos ang Kongreso na wala sa kamay ng ehekutibo. Ilan sa kanila ang nag-utos na dapat ay kwentahin lahat ng nilaspag at dapat isauli sa kaban ng bayan.

Ang dapat magkwenta ay ang COA. Pero tahimik lang sila, lalo na si chair Grace Pulido-Tan na gustong maging Mahistrado. Si Commissioner Heidi Mendoza naman na dati ay palaban sa korapsyon, tameme na.

Ang Kongreso ng Senado at Kamara, wala pa man banta, nagtahulan na. Hindi raw aarya ang kasong impeachment kung may magsasampa kontra sa mabuti nilang manunuhol na Pangulong Noynoy Aquino.

Babala natin sa sinoman na gusto magsampa ng impeachment kay Aquino, mag-isip muna kayo. Kapag ginawa ninyo iyan, tiyak na babaha na naman ang perang suhol sa mga korap na mambabatas, lalo ng ‘yung 188 kongresistang walang isip, walang basa-basa, basta may pera, presto, approved na!

Nakapanggagalaiti lang sina Miniong Coloma at Noranian Edwin Lacierda. Baliw na sila nang magsabing, “Wala kaming ginagawang masama!” at “In good faith!” sa paggamit ng pondo ng DAP? Ibig ba nilang sabihin, BUGOK ANG KORTE SUPREMA sa desisyon nila na unconstitutional ang DAP?

Malaking bahagi raw ng DAP fund ay ginamit na pantulong sa maraming mahihirap na kababayan natin. Saan.
Sino. Kanino? At anong proyekto ang ibinigay ninyo sa maralita? Pati raw sa conditional cash transfer (CCT) ay dinagdagan ni Noynoy kaya lumago ang bilang ng nakinabang. Nasaan?

Ukinnana! Ukinnayo amin diyan sa Malacañang na nakasawsaw sa DAP. Ang kakapal ng mukha ninyong pagtakpan pa ang mortal ninyong kasalanan sa paglaspag sa pera ng bayan.

Nakauubos din ng buhok ang pagyayabang ni G. Aquino na naghamon pa na pantayan daw ang kanyang liderato na nang-asar pa, baka raw pag-alis niya sa pwesto ay “bumalik sa rati” ang maruming kalakaran sa pamahalaan.

Bakit Noynoy, ano ba ang iyong magandang nagawa? Puro paghihiganti at pagpapakulong sa iyong mga kalaban.
Maganda ba ‘yun? Eh, ang buhay ng taumbayan, guminhawa ba sa iyo?

Sa ulat at talaan mismo, pagsamahin man ang lahat na namuno sa bansa, kuntil lang sa sukat ang nilaspag mo kumpara sa kanila.

Kontra korapsyon ba niyan? Ukinnayo!

The post UKINNANA, TAYO PA ANG MAY UTANG NA LOOB? appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>