Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DROGA SA BINANGONAN AT MARUMING QUEZON CITY

$
0
0

lily-reyesBIBIGYANG daan muli ng Lily’s Files ang ilan sa tambak na text messages at mga nag-email ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit, tulad ng dati, ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at buong cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at proteksyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang text message at email sa Lily’s Files column natin at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

GOOD day, Lily’s Files. May bago po akong lead tungkol sa pagpasok ng droga rito sa Binangonan. Ang kilalang si Abraham “Abe” ang nagpapasok ng shabu rito sa Binangonan at ito po ay nagmumula kay “Bing” o Beng Davao ng Antipolo City.

Itong pong si Beng Davao ay relative o kapatid ng aktor na si Ricky Davao… 0927-6-3-0-.

LILY’S Files, good pm po. Isa po ako sa mga nagpapa-aral ng bata rito sa Camp Nakar, Nueva Ecija. Itatanong ko lang po sana ito: ‘yung gastusin sa school repair ay dapat bang mga estudyante ang magbayad?

Ang pagkakaalam ko kasi ay dapat sa city gov’t o provincial gov’t ang gagastos nito, bakit sa mga bata kinukuha ang panggastos sa pagpagawa ng school? 0910-2-0-7-.

Lily’s Files: Tama po kayo, hindi dapat sa estudyante kinukuha ang pagpapagawa o repair ng kanilang paaralan. Ang dapat po ay sa city goverment o kaya ay sa mismong DECS. Huwag po kayong mag-alala, ipararating po natin ito sa tanggapan ng DECS. Maraming salamat po sa inyong suporta.

GANDANG hapon po, ma’am. Hinaing ko lang ito. Kung sinoman ang mayor ng Quezon City, ito na yata ang siyudad na walang mayor, tambak ang basura, kalat ang mga pasugalan tulad ng vk, jueteng, putahan, droga. You name it, they’ve got it.

Mga ilog na napakarumi, mga squatter nakatira sa gilid ng mga creek, mga sidewalk na hindi maraanan ‘pagkat okupado ng mga carwash at mga abusadong driver.

Kailan ho kaya tayo matatawag na bayan ng mga matitinong politiko na ang bayan muna bago ang bulsa ang iniisip?

Salamat po ng marami at more power. GOD bless. 0929-2-0-2-.

***
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suggestions at komento, mag-text lang po sa 09087230036 o 09156588600.

The post DROGA SA BINANGONAN AT MARUMING QUEZON CITY appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>