NAGLUNSAD ang Department of Agriculture’s – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ng isang website sa BFAR’s National Inland Fisheries Technology Center (NIFTC) sa Tanay, Rizal.
“Ang website ay maaasahan dahil makapagbibigay ng lugar para sa publiko upang sila’y makapagbigay ng kanilang mga saloobin at suhestyon, na sila ay nakikiisa na makisangkot sa kanilang pagsisikap na mapahinto ang mga ganid na knifefish sa pagpatay at pagkain sa mga native species.” Ang paliwanag ni BFAR National Director Atty. Asis G. Perez.
Ang peste na kinasasangkutan ng mga knifefish sa Laguna de Bay ay naiulat noong Mayo 2012. Base sa fisheries survey na sumasakop sa 2,519 mangingisda sa baybay dagat at munisipalidad ng Laguna de Bay ay nagpapakita na ang mga knifefish ay kinapapalooban ng 40.35% ng huli, sa 8 pangunahing fishing gears na ginagamit sa operasyon ng pangingisda sa lawa.
Bilang sagot sa suliranin, pitong ahensya ng gobyerno kasama ang BFAR, DENR-LLDA, DOST-PCAARD, DSWD, DTI, DILG and TESDA ay nagsanib p’wersa kasama ang stakeholders upang mapanatili ang malawak na paglilinis sa naturang salot na mga species.
Ayon kay Director Perez, ang pagsisikap ng mga ahensya na kinabibilangan ng Technical Working Group na nakaukol sa knifefish infestation ay makabubuti sa lahat.
“Tayo ay nasisiyahan sa pagbabalita na sa ating maayos na assessment survey na ibinigay ng BFAR at LLDA, na ang dami ng knifefish na pwedeng mahuli ay bumaba mula sa 40. 35% noong 2012 na may bilang na 15.60% ngayong taon” ayon pa sa kanya.
Kahit positibo ang pag-unlad, ang BFAR at ang kanyang katuwang na ahensya ay kailangang patuloy na palakasin ang paraan laban sa ganid na mga knifefish, dahil sa banta hindi lamang sa mga native fish sa kabuuan. Ngunit, ang pinakamahalaga sa lahat ay para sa ikabubuhay ng mga mangingisda, dagdag pa ni Director Perez.
The post KAMPANYA LABAN SA SALOT NA KNIFEFISH appeared first on Remate.