MAYROONG kapuna-puna sa Tres Marias ni Boss PNoy.
Ukol ito, parekoy, sa pagtsugi ng Supreme Court sa peborit na pork barrel ng gobyernong Aquino — ang Disbursement Acceleration Program.
Nakabibinging katahimikan ang nagaganap kina Commission on Audit chair Grace Pulido-Tan at Justice Secretary Leila de Lima.
Sa kabilang banda, nagsalita na si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Sabi niya na “moto propio” ang pag-iimbestiga ng Ombudsman sa posibleng pang-aabuso sa pagpapairal ng DAP.
Ipinakikita ni Doña Conchita na hindi siya de-pukpok para kumilos kundi pinaiiral nito ang mandato ng kanyang opisina na umalam ng katotohanan kung may umaalingasaw sa pamahalaan.
Hindi magpapakita si Doña Conchita ng interes na mag-imbestiga ukol sa DAP kung wala siyang naaamoy.
Tanong: paano kung nauugnay ang alingasaw ay mula sa kampo nina PNoy at KKK nito? Hak, hak!
Anyare naman kina Madam Leila at Grace?
Hmmmm! Nakapagtatakang tahimik na tahimiiiiiiiiiik ang dalawang Mariang ito.
Bakit nga ba sobrang tahimik sila sa kontrobersya?
Para sa COA, kaliwa’t kanan ang nagtutulak dito para simulan nito ang pag-audit kung saan o kanino napunta ang nasa P177 bilyong DAP o ang 10 hanggang 20 porsyento o ghost project nito.
Pero wala tayong naririnig na salita si Pulido.
Bigla yatang naging hindi pulido ang posisyon ni Grace sa DAP at kaiba ito sa kaso ng Priority Development Assistance Fund na sinabi niyang may “kahindik-hindik” na pangyayari.
Huwag sabihin ngayon ni di-Pulido na walang ibinibigay si Butch Abad na dokumento, ‘di tulad sa PDAF na mayroon pero ukol lang kina Seksi, Pogi at Tanda. Hak, hak, hak!
Ito namang si Leila, nakapagtatakang wala siyang kaingay-ingay at hindi katulad noong araw na panay ang galugad nito sa paghahanap ng mga whistleblower laban sa tatlong pinupulutan sa maghapon at magdamag.
Matanong nga pala natin ang dalawang Maria na ‘to.
Ang pananahimik ba ninyo, Madam di-Pulido, ay nauugat sa kandidatura ninyo sa pagka-justice sa SC at si PNoy ang inaasahan ninyong magpapapasok sa inyo sa pwesto?
At ikaw naman, Ms. Leila, ang pananahimik ba ninyo ay batay sa kandidatura ninyo sa pagka-senador sa 2016?
Nakadududa ang mga nasa likod ng inyong pananahimik.
Kung ako lang ang masusunod, pagsisipain ko na kayo sa pwesto. Hak, hak, hak! Pwe!
The post LEILA AT GRACE TAMEME; DOÑA CONCHITA NAGSALITA appeared first on Remate.