Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAPUSIN ANG HAZING

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB1NAPAPANAHON ang panawagan ni Cong. Win Gatchalian ng Valenzuela City na ibasura na ang batas na Anti-Hazing Law. Ito ang rekomendasyon ng dating mayor ng Valenzuela City at kilalang action man dahil sa hands-on na pamamahala nito noong siya ang mayor ng naturang lugar.

Sa panahong si Win Gatchalian ang alkalde ng Valenzuela ay hindi napabalitang uso ang hazing sa lungsod lalo’t higit na may namatay rito dahil sa pagpapahirap ng isang fraternity.

Malinaw ang diskarte ni Gatchalian sa mga fraternity at ito ang dahilan kung bakit monitor ng Valenzuela local government at ng mga paaralan ang aktibidad at kilos ng mga kapatiran sa siyudad.

Maging ang mga polisiya ay alam ng pamahalaang panlungsod na itinutuloy ni Mayor Rex Gatchalian dahil mayroong regular na pagpupulong ang mga fraternity sa Valenzuela. Isang kapatiran ng mga kapatiran ang binuo ng dalawang opisyal na Gatchalian kaya naman never ding napaulat na nagkaroon ng rumble o kaguluhan ang mga fraternity.

Malinaw sa pag-aaral ni Win Gatchalian na puno ng butas ang Anti-Hazing Law at patunay nga nito ang hindi pagbabawal ng hazing at hindi pagmamandato sa mga paaralan para kilalanin ang fraternities sa kanilang nasasakupan.

Tama ang punto ng kinatawan ng Valenzuela sa Mababang Kapulungan kaya dapat nang ibasura ang naturang batas na wala namang silbi at pangil. Panahon na para itigil ang patayan sa hazing at iyan ang panawagan ng lahat dahil lahat naman ay nag-aasam ng matinong komunidad.

o0o

Mukhang si Erap Estrada na ang isusunod ng kasalukuyang administrasyon. Matapos mademanda ang tatlong senador na sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla ng plunder at kasong graft ay usap-usapan na ang pagbaba ng desisyon ng Korte Suprema sa kaso ni Erap bilang alkalde ng Maynila.

Sa mga sumisingaw na balita, tanggal din si Erap bilang alkalde ng siyudad at kasama na raw dito ang hindi pagpapaupo kay Isko Moreno bilang kapalit nito. Lalabas daw sa desisyon na iba ang pauupuin ng SC at si dating Mayor Fred Lim, na tinalo ni Erap, ang mauupong muli bilang punong lungsod ng Maynila.

Kaabang-abang ang mga mangyayari kaya dapat tayong maging mapagmasid at mapagmatiyag dahil posibleng ang katotohanan ay matakpan at masalaula.

The post TAPUSIN ANG HAZING appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>