Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

20 TAON NA PALA

$
0
0

AKALAIN n’yo ‘yun? 20 taon na pala ang SMS – short messaging system – o mas kilala sa tawag na “text messaging”.

Sabi sa mga balita, Dec. 3 daw unang na-send ang unang text message, noong 1992, dalawampung taon na ang nakalilipas mula sa London. At Christmas greeting pa raw ang unang text message na ito.

Hindi na siguro maaalala ng marami sa atin ang panahon na wala pang text. Kahit 20 taon pa lang, parang habang buhay na sa sobrang pagka-popular nito. Ang mga teenager ngayon ay ipinanganak nang may text.

At ang Pinas pa raw ang sinasabing text capital ng mundo.

Marami na ang nangyari sa mundo ng komunikasyon mula noong 1992. Nawalan na nang silbi ang mga sulat o “snail mail” kung tawagin ngayon. Kawawa ang mga kartero, unti-unti nang nawawala ang kanilang kinagisnang trabaho. Nawawala na ang sining ng pagsusulat o paggawa ng liham.

Naalala ko noong konsehal pa ako, isa sa mga kampanya na aking sinimulan ay ang pagbuhay sa sining ng letter writing at letter sending.

Naalala ko, nanawagan ako na kahit sa panahon man lang ng Kapaskuhan ay magpadala  ayo ng sulat o mga card sa ating mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng koreo.  Iba pa rin ang sulat-kamay na pagmamahal, sulat-kamay na pagbati ng Merry Christmas at Happy New Year.

Ngayon nga 20 taon na ang text-messaging, buom-buo na nitong inangkin ang sining ng komunikasyon. Hindi ko maiwasang malungkot minsan lalo pa ang mga kabataan na bastard kung mag-text. Mga kabataan na hindi na halos makapagpahayag ng kanilang saloobin kung hindi sa pamamagitan na lang ng mga letrang pinagsasama-sama lang at bahala na kung maintindihan man o hindi ng nakatatanggap.

Pero ang text-messaging ang isa sa pinakamalaking pangyayari sa industriya ng komunikasyon.  Naging ubod ng bilis, naging madali, at napakamura na ang pagpapadala ng mga mensahe sa buong mundo. Freedom of communication.

Malaking bagay ito sa mabilis na pag-angat ng ekonomiya ng isang bansa, ng buong mundo.

Pero may mga responsibilidad din tayong dapat alalahanin. Ang kalayaan o malayang pamamahayag ay may kaakibat na responsibilidad.

Dapat ang kalayaang ito ay magamit sa pagpapalakas at pagpapabuti ng mga relasyon.

Dapat ang kalayaang ito ay magamit para sa pag-unlad ng bansa. Magamit sa pag-angat ng negosyo at magamit para sa kaligtasan at kagalingan ng kapwa.

Lahat ng gamit na masama ay tantanan na, sa mabuti na lamang sana.

Email me at ariel.inton@gmail.com.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>