Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DANDAN TAN: GINAWANG NEGOSYO ANG MNC ADMIN

$
0
0

MALINIS, maaliwalas at magandang tingnan ang paligid ng Manila North Cemetery, bukod pa sa ligtas na mag-ikot sa lugar na kinalalagakan ng mga namayapa.

‘Yan ay noong nakalipas na buwan na si officer-in-charge Raffy Mendez pa ang nakaupo. Nang palitan siya ni dating Manila South Cemetery OIC Dandan Tan, medyo naging maalinsangan na ang sementeryo.

Bakit? Dahil wala raw itong pakundangan sa mga nagtatrabaho sa nasabing lugar. Oo nga at naging  mahigpit si Tan sa pamamahala sa MNC pero hindi naman nito binigyang pagkakataon ang mga trabahador na kumita ng konting pera para sa kanilang araw-araw na pangangailangan.

Sinasabing ang asawa raw nitong si Tan ang nagpapalakad sa sementeryo, lahat ng kautusan nito, tulad ng pagpasok ng gamit sa paggawa ng nitso ay sa kanila magmumula. Mula buhangin at graba, kailangang sa kanila bilhin ng mga sepulturero, tsk tsk tsk.

Natural, mas mahal ang presyo nito kaysa sa binibili sa labas ng sementeryo at kapag hindi sumunod ang mga gumagawa roon ay tiyak na sibak at hindi na pwedeng mangontrata sa mga pamilyang naghahanap ng puwesto sa MNC.

Ayon sa source, lahat ng magpapalibing ay daraan sa opisina ng asawa ni Tan para ma-interview at syempre kapag mahirap o walang kakayahan ay bibigyan ng pauper’s burial pero ibibigay nilang puwesto ay ‘yung binabaha sapagkat reserba ang maayos sa mga may kakayahang magbayad mula P2,500 hanggang P3,500. Bukod pa rito ang bayad sa rehistro sa pagpasok sa sementeryo na P600-P900.

Alam kaya nila na noong si Mendez ang nakaupo ay inililibre lang nito ang bayad sa rehistro lalo’t talagang mahirap at walang kakayahang magbayad ang pamilyang namatayan? May mga pagkakataon pang  si Mendez ang nag-aabono.

Naubos ang video-karera sa loob ng MNC noong si Mendez ang nakaupo dahil pinare-raid nito sa mga pulis kasi nga talagang ayaw nito ng sugal at ayaw nitong mahulog ang mga bata sa pagsusugal na madadala nila hanggang pagtanda.

Ngayon, nawala nga ang mga magtitinda ng kandila at bulaklak sa labas ng sementeryo mula nang maupo si Tan pero nagsulputang parang mga kabute na naman ang makina ng video-karera sa loob.

Hindi kataka-takang bumalik na naman ang nakawan sa labas at loob ng sementeryo na ang taguan ng mga suspek ay ang loob ng MNC at magiging nakatatakot na naman ang nasabing lugar na inaayawang  pasukin ng mga tao.

Teka, alam ba ng Manila City Hall na ginagawa raw tambayan ng mga trak na gamit sa towing ni Tan ang MNC?

Aba’y tiba-tiba pala itong si Tan dahil nasa kanya na lahat ng negosyo mula towing, gravel and sand at video-karera.

Ang kapal ng mukha nitong si Tan, biruin mong gawing negosyo ang kanyang pagiging Administrator ng MNC, sabagay weather weather lang yan, weather mo ngayon, ‘pag nawala si Mayor Erap, wala ka na rin sa puwesto mo.

MNC Administrator Tan, umalis ka na riyan sa puwesto mo at magtaong-bahay ka na lang at ‘yang misis mo ang ipuwesto mo riyan sa sementeryo, total naman ang misis mo ang nagpapatakbo ng Manila North Cemetery. LILY’S FILES/Lilly Reyes


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>