Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LIKAS NA MAPAGPATAWAD ANG PINOY

$
0
0

NAAWA na [raw] ang maraming Pinoy sa sinapit ng mga kilalang personalidad na isinabit sa pandarambong ng bilyong pisong Pork Barrel.

Ito’y sa kabila nang marami sa atin ang naniniwalang may basehan ang kasong pandarambong laban sa kanila na naihain sa tatlong dibisyon ng Sandiganbayan.

Nito lamang nakalipas na mga araw ay ilang mensahe ang aking natanggap mula sa ating mga kababayan na sumasang-ayon naman sa ating pananaw patungkol sa isyu ng pandarambong.

Pero hindi maiwasan sa bawat sa mensahe ang magkaroon ng awa sa mga nasasakdal matapos nilang mapanood sa telebisyon at masilip ang litrato sa mga pahayagan.

Sa tatlong senador ay pinakamarami ang sa tingin ko’y handang patawarin itong si Sen. Juan Ponce Enrile dahil na rin siguro sa kanyang edad na nubenta kaya kinaawaan ng taumbayan.

‘Yung nangyari rin kay Atty. Gigi Reyes na makailang ulit itinakbo sa ospital dahil sa kakaibang karamdaman na naranasan lamang niya marahil nang matanaw na nito ang rehas na bakal.

Kahit siguro sa panagip o bangungot ay hindi pumasok sa isipan ni Atty. Reyes na sasapitin niya ng ganitong sitwasyon sa buhay kaya talagang sari-saring sakit ang lalabas sa kanyang katawan.

Pero sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla kabilang na ang reyna ng pandarambong na si Janet Napoles ay tila buong-buo pa ang ngitngit ng taumbayan. Matitikas pa kasi sila kapag nakikita ng publiko.

Subalit ano’t anoman ay darating din ang panahon na ang lahat ng pinagpaguran ng mga umuusig para papanagutin ang mga mandarambong ay mababalewala dahil likas na mapagpatawad ang mga Pinoy.

Kahit dumaan tayo sa nakatatakot na Marshall Law ay napatawad din ng taumbayan ang dating Pangulong Ferdinand Marcos makalipas ang ilang dekada kaya nga hanggang sa ngayon ay may lahing Marcos pa na naihalal.

Si dating Pangulong Gloria Arroyo na noo’y kinasuklaman ng taumbayan subalit nang malaman natin na masama na ang kanyang kalusugan ay lumambot tayo. ‘Yan talaga ang Pinoy, maawain at mapagpatawad.

Sa kultura kasi ng Pinoy ay iba na ang usapan kapag kalusugan na ang isyu. Kahit ano pang demonyo ng tao pero kapag binawain ng buhay ay lumalambot ang Pinoy, nagpapatawad tayo.

Si PNoy kaya, kailan naman kaya natin siya mapapatawad sa kanyang ginawang kabulastugan sa bayan? Kailangan muna siguro na makulong si PNoy ng ilang panahon bago natin siya kaawaan at patawarin nang lubusan.

***
Para sa inyong komento o suhestyon: 09237397381. EKSPERTO/Joie O. Sinocruz, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>