Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BINISITA NG MGA OPISYAL NG MYANMAR ANG PASILIDAD NG MANILA WATER

$
0
0

AYON kay Corporate Communications Head, JERIC T. SEVILLA at LEAH C. FLOR, Media Planning and Relations Manager ng Manila Water Company, Incorporated. “Binisita ang Manila Water Company ng mga opisyal ng Yangon City Development Council (YCDC), na pinangunahan ni U Myint Zaw Thant, Deputy Engineer ng Water & Sanitation Department, upang matunghayan kung paano nitong matagumpay na napabuti ang serbisyong patubig at gamit na tubig para sa mahigit 6.3-milyong residente ng silangang bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal.”

Tiwala ang pangulo ng Manila Water na si Gerardo C. Ablaza, Jr. na makatutulong ang kompanya sa YCDC, dahil naisaayos ng Manila Water ang lumang sistema ng tubig at naibaba pa nila ang lebel ng nasasayang na tubig sa 11% mula sa 63% noong 1997.

Ayon kay U Myo Thein, Assistant Chief Engineer ng Water and Sanitation Department ng YCDC, “Bukod sa pamamahala ng kasalukuyang pasilidad, nais naming pagbutihin ang aming mga pasilidad at serbisyo upang tugunan ang pangangailangan ng lungsod sa darating na mga taon. Inaasahan na sa paglaki ng populasyon at sa pag-angat ng ekonomiya, malaki ang magiging epekto nito sa sistema ng patubig”.

Dagdag ni Ablaza na ang imprastraktura ng tubig ay napakahalaga sa isang lugar na umuunlad at umaangat ang ekonomiya. “Ang tubig ay isang intragenerational asset; kailangan masiguro ang para sa susunod na henerayon. Isang malaking karangalan para sa Manila Water na makasama sa paglaki ng Yangon at sa pagsasaayos ng sistema ng patubig ng kanilang lungsod.” ANG INYONG LINGKOD/Dr. Hilda Ong


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>