Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GRACE POE FOR PRESIDENT

$
0
0

MUKHANG si Senadora Grace Poe lamang ang pwedeng ipantapat sa ngayon kay VP Jojo Binay para sa pampanguluhang halalan sa 2016.

Ito ang natitirang choice ng Malakanyang lalo’t higit si PNoy kung ayaw niyang masyadong madiin at matulad kina Erap at Ate Glo na nakulong matapos ang kanilang termino sa Palasyo.

Malinaw na walang bahid na rekord ng kawalanghiyaan itong si Poe lalo’t hindi ito nasabit sa PDAP at DAP, na siyang ugat ngayon ng pagkaka-hetot-hetot ng ilang mambabatas at Malakanyang.

Kakaiba ang naging karisma at dating ni Aling Grace sa madlang pipol matapos siyang manguna sa senatorial election noong 2013 kaya malinaw siya ngayon ang angat sa labanang pampanguluhan.

Kailangan ng ating bansa sa kasalukuyan ang isang matinong tao at pangalan at dito akmang-akma ang pagkatao ng anak ni Da King na si FPJ.

Mababanaag din kay Poe ang pag-asa ng bansa dahil kahit kaalyado at kapartido niya si PNoy ay nagsasalita pa rin ito nang salungat sa Pangulo ng bansa kapag sa tantiya nito ay lihis sa tamang daan ang mga pahayag ng anak ni Tita Cory.

Kitang-kita rin sa ugali ni Grace Poe ang ugali ng kanyang maka-mahirap kaya tiyak na alam nito ang gagawin sa mga anakpawis sa sandaling siya ay maluklok sa Palasyo.

Asahan na rin ni Aling Grace na siya na ngayon ang gigibain ng mga trapong gustong maging Pangulo ng bansa dahil malinaw namang siya ang dapat ilagan sa darating na pampanguluhang halalan sa 2016.

o0o

Naging maayos ang paghahanda ng Muntinlupa City sa bagyong Glenda.

Bagaman may mga nawasak na establisimyento at kabahayan ay malinaw namang walang nasawing buhay sa nagdaang mapanirang bagyo, na siyang dapat pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng isang liderato.

Malinaw sa kilos at galaw ni Mayor Jimmy Fresnedi na tao ang mahalaga sa kanyang pamunuan kaya agad-agad ay kumilos ito para maiparamdam sa kanyang nasasakupan na gising at sensitibo sa kanilang pangangailangan ang lokal na pamahalaan.

Kaagad pinaayos ni Fresnedi ang lahat ng nasirang imprastraktura na pag-aari ng pamahalaan at kasabay rin nito ang agarang pagkalinga sa kanyang mga kababayan.

Tahimik pero punom-puno ng malasakit itong si Fresendi sa kanyang kapwa kaya’t mapalad o swerte ang mga taga-Muntinlupa.

Mabuhay ka, Mayor Fresnedi. ALINGAWNGAW/Alvin Feliciano


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>