Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG BANDILA AT KONSTITUSYON

$
0
0

SA elementarya pa lamang ay itinuturo na ng mga guro sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng bandila ng Pilipinas at ang gabay ng lipunan, ang Konstitusyon o Saligang Batas. Hanggang sa kolehiyo at magtapos ang mag-aaral nakatanim ang paggalang, pagmamahal at pangangalaga sa bandila, kasama ang pagtatanggol sa Konstitusyon.

Mula Pangulo ng bansa hanggang sa ibabang sektor, dapat ipakita ang mataas na respeto sa dalawang mahalagang gabay ng mamamayan. Ang bandila bilang sagisag ng bansa at ang Saligang Batas bilang aklat ng kamalayang Filipino.

Katulad sa wika na sinabi ni Gat Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pang mabaho sa malansang isda!” Ganyan din ang hindi kumikilala sa ating Saligang Batas! Ang sinoman na bumastos sa bandila’t Saligang batas ay maituturing na traydor at kalaban ng bayan.

Ang Pangulo at kahanay na opisyal, ang mga politiko, ang mga sundalo at pulis bago maging opisyal na maupo sa tungkulin, iisa lang ang kanilang sumpa, “ipagtanggol ang bandila, ang bansa at ang bibliya ng pamamahala, ang Saligang Batas.

Ang mapanghamon na reaksyon ni Benigno Aquino III kamakailan laban sa desisyon ng Korte Suprema na iligal ang mga gawain niya sa Disbursement Acceleration Program na nilikha niya sa pamamagitan ni pork barrel teacher Butch Abad ay mali.

Ang desisyon ng mga mahistrado, 13-0, ay nakabatay sa ating Saligang Batas at hindi sa anomang personal o pulitikal na batayan. Ang sumbatan sila ni G. Aquino ay isang kabastusan sa ating Saligang Batas. Ang pagbantaan ang mga mahistrado ay isang kataksilan sa Konstitusyon.

Katulad ng sinabi ng kaalyado ni Noynoy na si Senador Serge Osmeña, matigas ang ulo ng Pangulo. Sinundan ito ni dating senador Joker Arroyo na si Noynoy ay awtokratikong lider na naniniwala lamang sa sarili kahit alam niyang mali ang ginagawa.

Ibig-sabihin, lumilikha ng krisis sa Saligang Batas si Aquino bilang Pangulo ng bansa mismo! Traydor!

Mga sundalo at pulis, kanino kayo? Sa nangangalaga o nambabastos laban sa ating Saligang Batas? Magpasya kayo!

Isa pa, kailan matututo si Noynoy na igalang ang ating bandila? Siya lang ang Pangulo ang hindi naglalagay ng bandila (flag pin) sa dibdib kahit na dumayo pa sa ibang bansa. Mas dala niya ang tanda ng kanser, dilaw, na kulay ng partido Liberal?

Bakit Noynoy? Filipino ka ba o lider ng mga dilaw ang kulto? BALETODO/Ed Verzola


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>