SA pagsisikap ng Social Security System (SSS) upang maipakita ang mga pamamaraan, gayundin upang magawa itong magaan at makapagbigay kaginhawaan para sa mga kaanib, pinagsama ng SSS ang kanilang contribution payment forms para sa individual payors at employers.
Simula Setyembre 01, 2014, ang voluntary, self-employed, overseas Filipino workers (OFW) at mga mag-asawa na hindi nagtatrabaho ay inaatasan na gumamit ng bagong consolidated (pinagsama) contribution payment form.
Maaaring ipagpatuloy ng mga employers ang paggamit ng SSS Form R5 sa pagbabayad ng kanilang employees’ contributions hanggang sa maubos ang kasalukuyang bilang (stock) ng form. Ngunit, ang paggamit ng bagong contribution payment form ay kinakailangang simulan gamitin sa Nobyembre 1, 2015.
Para sa paglilinaw sa bagong consolidated contribution form at schedule ng kanilang paggamit, ang mga kaanib ay maaaring magtanong sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. 24/5 SSS Call Center sa numero 920-6446 hanggang 920-6455
2. My SSS at www.sss.gov.ph
-oOo-
MAS SINIGURONG SUPPLY MULA SA CLARK WATER
Itinaas ng Clark Water ang kapasidad ng tatlong pangunahing booster pumps na nagtutustos ng 60% ng kabuuang suplay ng tubig sa 120 litro ng tubig bawat segundo, higit na mataas kumpara sa dating 60 hanggang 90 na litro ng tubig bawat segundo.
“Kami ay walang tigil na naghahanap ng mga paraan upang mas mapaghusay ang serbisyo sa aming mga kostumer. Sa pamamagitan nito, ang posibilidad na magkulang ng tubig dahil sa pagkasira ng sistema o biglaang pagtaas ng demand ay maiiwasan”, sabi ni Jesus D. Laigo, Chief Operating Officer at General Manager ng Clark Water.
Sapat na ang isa sa mga bagong booster pumps para sa pangangailangan ng kasalukuyang customers ng Clark Water. Ang dalawa ay magsisilbing reserba para sa panahon ng emergency. “Inaasahan din na mas makatitipid sa kuryente ang mga bagong booster pumps dahil sa mga variable frequency drives na kusang umaayos ang bilis ayon sa kailangang produksyon”, ayon kay Laigo. ANG INYONG LINGKOD/Dr. Hilda Ong