Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

INUTIL NA SA OFW, INUTIL PA SA BAGYO

$
0
0

PAANO lalabas ang nasa 13 overseas Filipino worker sa Libya at ang mahigit sa 100 sa Gaza Strip, Palestine ngayong ipit na ipit na ang pagbabakwit ng mga ito?

Matatandaang nagpalabas ang Department of Foreign Affairs ng Alert Level 4 o sapilitang paglilikas sa mga OFW sa nasabing mga lugar kamakalawa.

Ito’y sa harap ng matindi nang digmaan at giyera sibil roon at para umano maligtas sa kamatayan at iba pang kapahamakan ang mga OFW.

Ngunit katulad ng dati, late na late na ang mga aksyong ito.

Dahil late na late ang aksyon ng pamahalaan, dapat itong managot nang todo sa anomang sasapitin ng mga OFW.

INUTIL GAYA NG DATI

Gaya ng dati, sa giyera sa Lebanon, halimbawa, at sa Libya rin, saka lang nagpapatupad ng mandatory evacuation ang gobyerno kung problema na ang paglalabas ng tirahan at pagbibiyahe sa lansangan patungo sa mga ligtas na lugar ang mga OFW.

Anak ng tokwa, ano pa ang saysay ng pagsasabi ng gobyerno na sagot nito ang lahat ng gastusin kung nasa bingit na ng kamatayan, gutom at hirap ang mga OFW?

At kung hindi na makapaglakbay patakas ang mga OFW?

Problema ngayon ang napakadelikadong paglalakbay sa lupa, dagat at kalangitan ng mga sasakyang magagamit sana ng mga OFW.

Napakarami ang mga nambobomba, nang-aambus at kung ano-ano pang nakamamatay na gawain ng mga sangkot sa digmaan at ito ang dahilan kung bakit napakahirap nang ipatupad ang mga sapilitang paglilikas.

BILANG PAGLILINAW

Sa Gaza Strip, umuulan ng mga bala ng baril at kanyon, missile at bomba at wala nang pinipili ang mga ito bilang gamit sa pagpatay sa mga naglalabanang pwersa ng mga Israelita at Hamas.

Wala nang kinikilala ang magkabilang panig, lalo na ang Israel na lumulusob para subuking durugin ang lahat ng Hamas sa teritoryong inaangkin ng huli.

Sa Libya, kanya-kanya nang labanan ang mga tribu, angkan o organisasyon para magkaroon ng mga sari-sariling teritoryo o kaya’y para makontrol nila ang pambansang pamahalaan na naiwanan ng napatay na Libyan leader na si Mohammad Ghadafi.

NASAAN ANG GOBYERNO?

Pero andiyan na ang giyera o kaguluhan.

Nasaan ngayon ang mga aktwal na taong gobyerno, gamit na sasakyan at salapi ng mga ito para sa mga nasabing paglilikas?

Lumalabas na marami sa mga taong gobyerno ang nasa malalayong lugar nag-aantay lang ng pagdating sa kanila ng mga OFW.

Sa ibang salita, lumalabas ang katotohanang ang patakaran ay “bahala kayo sa buhay ninyo.”

Ang patakarang ito ay pinaiiral maging sa Pilipinas sa gitna ng mga kalamidad.

Anak ng sampung tipaklong, tatak na ito ng kasalukuyang pamahalaan.

At ito’y kasumpa-sumpa at taliwas sa ipinagmamalaki nitong Tuwid na Daan.

100 PATAY KAY GLENDA

Kulang-kulang na sa 100 mamamayan ang naiuulat na namatay sa bagyong Glenda.

Mabuti na lang at hindi kayang pigilin ng pamahalaang ito ang katotohanan sa usaping ito dahil sandamakmak ang mediamen sa mga lugar na ito na handang mag-ulat ng buong katotohanan.

Matatandaang ninais na ikubli ng pamahalaan ang buong katotohanan sa kamatayan nang manalasa ang bagyong Yolanda sa Kabisayaan nitong nakaraang taon.

Gaya ng dati, nabigo ang pamahalaan na panghawakan ang patakaran nitong zero casualty sa bagyong ito.

Bagama’t hindi natin masisisi nang lubos ang pamahalaan sa pangyayari dahil wala nga namang makapipigil sa ngitngit ng kalikasan, nagiging malinaw ang katotohanang malaki ang pananagutan ng pamahalaan sa kamatayan ng mga mamamayan sa bagyong Glenda.

Halos pawang mga ordinaryo at mahihirap na mamamayan ang namatay at ni isa sa mga matataas na opisyal ang naging biktima.

May malaking kapabayaan o kasalanan ang gobyerno sa mga ordinaryo at mahihirap na mamamayan.

BAKIT?

Ito ang tanong na dapat na bigyan ng katugunan ng pamahalaan?

Bakit nga ba ordinaryo at mahihirap lang na mga mamamayan ang nadadaganan ng puno, nakukuryente, nalulunod, nababaon nang buhay sa putik sa landslide at iba pa tuwing may mga bagyo?

Bakit ni isa sa mga matataas na opisyal ng Malakanyang, kongresman, senador, gobernador at mayor ang nasasawi tuwing may bagyo?

Mga ordinaryong tanong ito ngunit may malaking pakahulugan sa oras ng disgrasya.

Ano-ano nga ang mga pagkukulang ng pamahalaan para bigyang proteksyon ang mga ordinaryo at mahihirap na mamamayan sa mga oras ng kalamidad?

BUWIS NG MAMAMAYAN

Magkakaroon lang ng matinong kasagutan ang mga nasabing tanong kung iugnay ang mga ito sa kung saan dinadala ng gobyerno ang mga buwis ng mga mamamayan.

Hanggang sa ngayon, marurupok at walang matinong tahanan ang mga ordinaryo at mahihirap na mamamayan at maging ang mga low cost housing na ibinebenta sa kanila at dito sila namamatay.

Wala rin silang matinong hanapbuhay kaya naman lumalakad ang mga ito sa gitna ng mga bagyo at baha para lang hindi sumala sa pagkain at iba pang mga pangangailangan sa buhay.

Kabaliktaran ito ng kalagayan ng mga korap at mandarambong na sa halip na gamitin ang buwis sa pagbabago sa buhay ng mga mamamayan, inaangkin at nilulustay lamang ito.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate. ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/Benny Antiporda


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>