Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PALUSOT NG SUBIC WATER, OEDC AT AMBISYON NI CAMARA

$
0
0

DAHIL mag-a-upgrade at magtatayo ng karagdagang pasilidad ang Subicwater, nais nitong magtaas ng 19.5 % sa taripa ng tubig na sinisingil sa mga consumer sa Olongapo at Subic Freeport. Ito Ang Totoo: walang masama na bawiin at tubuan pa ng Subicwater ang magagastos sa upgrade at pagdagdag ng pasilidad pero mali na kunin ang puhunan sa mamamayan.

Tulad ni Olongapo Mayor Rolen Paulino, kontra rin ang Sangguniang Panlungsod sa 19.5 % dagdag na singil ng Subicwater at kanila itong ipinahayag sa isang resolusyon.

Dapat isulong ng mga kinatawan ng Olongapo sa Water Regulatory Board ang opisyal na posisyon ng lungsod sa isyu kontra sa 19.5 % dagdag sa singil ng Subicwater.

Ganito rin ang sitwasyon sa suplay ng kuryente sa Olongapo. Nais magtaas ng singil ang Olongapo Electric Distribution Company (OEDC) dahil din sa gagastusin sa pagsasaayos ng pasilidad na binili nito sa lungsod ng Olongapo.

Totoo namang katakot-takot na upgrade ang kailangan sa sistema ng suplay ng kuryente sa Olongapo pero dapat mamuhunan ang OEDC at huwag sa taumbayan kunin ang puhunan. Negosyo ang pinasok ng OEDC at Subicwater kaya marapat lang na bilang nagnenegosyo ay gastusan muna nila ang kanilang puhunan.

Kung taumbayan din lang ang mamumuhunan, eh, ‘di dapat ang taumbayan ang magmay-ari sa Subicwater at OEDC.

***
TUMAAS ng 27% ang kita ng Subic Bay Metropolitan Authority sa unang anim na buwan ng 2014 kumpara sa parehong panahon noong 2013. Ayon kay SBMA Chairman Roberto V. Garcia, ang bulto nito ay galing sa seaport operations at turismo dahil ang airport ay hindi gaanong kumita.

Tumaas din ang operating income ng SBMA ng 62% mula sa may P300M noong nakaraang unang anim na buwan ng 2013, halos kalahating bilyon na ito sa 2014.

Kung hindi magbabago ang takbo, malamang, matataasan ng SBMA ang kinita sa nakaraang dalawang taon, na bago pinamunuan ni Garcia ay may 20 taon nang nalulugi ng bilyon-bilyon halos taon-taon.

Sa ganda ng takbo ng SBMA sa kasalukuyan, tuluyan nang nalulusaw ang umano’y inaasam-asam ni SBMA board member Philip Camara na maging SBMA chairman bago mag-eleksyon sa 2016. Ito Ang totoo! ITO ANG TOTOO/Vic V. Vizcocho, Jr.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>