Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PULUBI DUMARAMI

$
0
0

‘WALANG kayang ipagmalaki ang pamahalaang Aquino sa mismong taumbayan at maging sa ibang bansa kundi ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. Pero kapag sinuri ng nakararami at ng mga matatalinong mamamayan, tanging mayayaman lang at negosyante ang nakikinabang sa “Daang Matuwid” ng Pangulong Benigno Aquino dahil ang mahihirap lang ang sumusunod dito habang ang mga KKKK ng Pangulo ang nangunguna sa pagbali sa kanyang kautusan.

Bakit nga naman? Kasi mismong si Pangulong Aquino ay hindi kumikilala ng batas. Sabi nga “No one is above the law.” Pero para kay Aquino, siya ang batas dito sa Pilipinas kaya hindi kailanman pwedeng maging mali ang kanyang hakbang.

Aba naman, nakatatakot naman palang hindi tumalima sa utos ni Pangulong Noynoy. Nakatatakot na hindi sundin ang kanyang mga sinasabi dahil tiyak na mapag-iinitan ka tulad ng mga Mahistrado na “inangasan” ni PNoy gayong halos pantay lang naman ang kanilang kapangyarihan.

Pero teka, tumaas nga ba ang antas ng ekonomiya ng Pilipinas? Parang hindi naman. Tila mas lalong dumami ang mahihirap at walang trabaho. Nagkalat sa mga kalye at simbahan ang mga pulubi na umaasa sa limos ng mga taong nahahabag sa kanila. Bukod pa ito sa napakaraming nagmamando sa mga kalyeng ginagawa at nanghihingi ng limos na matatanda, kasama ang kanilang mga anak.

Senyales lang ito na parami nang parami ang mga pulubi sa kalye. Hindi pwedeng sabihin na ito ay dahil mas gusto ng mga taong ito na mamalimos kaysa magbanat ng buto. Ito ay dahil sa kawalan ng hanapbuhay na maibigay sa kanila ang pamahalaan.

Natural, ayaw ng mga taong ito na mamatay sa gutom kaya tinitiis na lang ang kahihiyan magkalaman lamang ang kumakalam na sikmura. Ngunit kung talagang “concerned” ang pamahalaan sa kalagayang panlipunan ng mga mamamayan, kikilos o uutusan ni Pangulong Aquino ang kanyang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kalingain ang mahihirap tulad ng mga natutulog sa kalye dahil sa walang masilungan.

Dahil hindi naman nakikita ni PNoy ang kaawa-awang kalagayan ng mga mamamayan sapagkat hindi naman siya tumitingin sa kanyang paligid, bukod pa sa walang pakialam ang kanyang mga consultant at adviser sa kalagayan ng mga tao, hindi nabibigyang-kalinga ang mga mahihirap sa lansangan. Kaya nga kapag nagkaroon lang ng kalamidad na marami ang namatay at naapektuhan kumikilos ang pamahalaan ni Aquino.

Kailan pa kaya gagalaw ang pamahalaan kaugnay sa usaping patuloy na dumarami ang mahihirap? Pilit pa rin kayang itatago ang tunay na kalagayan ng bayan sa tuwing may dumarating na mga bisitang dayuhan sa bansa?

Sige, itago n’yo nang itago ang tunay na sitwasyon sa Pilipinas, pero darating ang araw na sisingaw din ang baho ng PNoy gov’t. PAKUROT/Lea Botones


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>